Chapter 37: Inferiority*

739 30 5
                                    

Comments, please? Hahahaha. Lakas makademand pero, kahit ngayon lang ;) please? Salamat.

Chapter 37

Girlfriend

Ilang weeks na din ang lumipas matapos 'nung pag-uusap namin ni Dad.

Well, all I have to say is... he's true. Ginawa niya lahat para magbago para sa amin... para sa akin. He avoided everything that may lead him to bad things again. And, he succeeded.

And now, he's back to his true self. The wise and great Claveronn Kernel Lachelis. 'Yung hindi na maloko. 'Yung hindi na nangba-babae... at higit sa lahat, 'yung hindi na gago.

That's why we're all happy for him. Especially, Wifey. She's happy for us.

I'm on my way to the Main Building. Yes, ng company. We also changed its name and it turned as Lachelis' Empire. At ang unang pangalan ng kompanya ay ipinangalan sa kompanyang pinamumunuan ni Ate Anne. Remember her? 'Yung babaeng kinuha ang presidency diploma? Ayon. Siya na ang namumuno sa Ugger Company na ngayon ay Lachelis' Business Building na.

Dad changes everything's name para daw new environment at new life. Ayaw niyang mabuhay sa mga pinaggagawa niya. Kaya ayon ang ginawa niya at bago na lahat. As gift for me, may bagong tinatayong building ng kompanya namin para daw sakin. Ibibigay daw niya sakin 'yon and also, to Rossel. Helene didn't accept the business since she's more on cooking, that's why Dad gave her enough salary to have her own restaurant. Akala niyo mauubos ang pera namin? No. Dahil sabi ni Dad, habang nalululong siya sa mga bisyo niya, mas naging money addict din siya kaya medyo nakakafocus siya sa trabaho.

Nang makarating ako sa carpark ng building, agad naman akong bumaba. Habang papunta ako sa entrance, biglang akong natamaan ng isang bagay... at 'iyon ay hindi ko pa natetext si Wifey na nandito pala ako kay Dad. Kinuha ko naman ang cellphone ko and I typed a message for Wifey.

To: Wifey ツ

Hey my wife. Just want to inform you that I'm here in my Dad's company. Kung nandito kana, pwede kang pumunta dito. Pero kung wala pa... hope to see you very soon :'(
I miss you and I love you <3

Sent!

Wifey's out of town for a vacation. May dumating kasing auntie at uncle niya at gusto nilang magbakasyon kaya pumunta sila sa Boracay. Ayaw sana ni Wifey sumama pero kailangan daw kaya wala siyang choice. One week daw sila doon. They left on Tuesday last week, and Tuesday na ngayon.

How I miss her.

Nasatisfy naman ako dahil nasabihan ko na si Wifey at natext na nandito ako. Nakarating na ako sa entrance at dumiretso agad ako sa elevator. I pressed the top floor button and waited for a few minutes.

Naghintay ako hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na. Dumiretso naman ako sa opisina ni Dad at nadatnan ko doon si Ranie.

Si Ranie 'yung second hand ni Dad. Bukod sa tapat ito kay Dad, matagal na din itong nanunungkulan sa aking ama. Katawa nga 'yung pangalan niya, eh. The way you pronounce his name is like the way you pronounce mine. Bakit? Kasi parang nagagawang o ang a niya kaya parang nagiging Ronie.

Well, so much for that.

"Yo, Ranie."

Napaangat naman siya ng tingin mula sa magazine na binabasa niya at magazine 'yon ng Hashtags.

"Uy."

Tumingin ulit siya sa binabasa niyang magazine na ngayo'y nasa dalawang page na si Jon Lucas at Ronnie Alonte, respectively. Si Jon-nasa left page at si Ronnie-nasa right.

Living With My Crush (Completed)Where stories live. Discover now