Chapter 17

726 34 0
                                    

Chapter 17

Wrong

Why did Lexxa kissed Circe's cheeks? Is this another plan? Cousin? Sister?

Why? Fudge. Hindi mawala-wala ang mga tanong na kanina pa naglalaro sa aking isipan magmula ng dumating si Lexxa. What is she doing here? What does she have to do with Circe?

"Eurydice?" tawag sa akin ni Lexxa. Sinuri nito muna ang mukha ko at nang sigurado na siyang ako 'yong tinatawag niya, napangiti ito.

She looked innocent. She looked so at peace. How could someone possess that kind of aura?

"W-wait..." parang nanghihina na nagulat na sabi ni Circe. "Magkakilala kayo?" tanong pa niya. Palit-palit ang tingin nito sa aming dalawa ni Lexxa habang tinuturo kamo isa-isa.

"Yes, my Phrixus," kalmang sagot ni Lexxa na para bang pagmamay-ari niya si Circe.

Okay... joke ulit 'to?

"M-mag kaano-ano kayo?" nauutal na tanong ko. I was staring at Circe and he was shaking as hell.

"Naging kami noon pero kinailangan kong umalis. But I came back para makipag-balikan sa kay Phrixus."

Hindi ko din maipagkakaila na bagay sila. Their beauty is, as if, made for each other. Ang kagandahan at kakisigan nila ay nakakawala ng duda na naging sila nga. Ang tanong... sila pa kaya?

Hindi ko alam kung bakit walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig ko. C'mon, mouth! You're a nagger, right? Show 'em what you've got, mouth. Please.

Pero, mukha na akong baliw. Kahit anong pilit kong magsalita ay nawawalan ako ng gana sa dalawang magkatabi. They really look so good together.

I guess, I just have to walk out of the picture.

"Uh-uhm... una na ako. I look like an excess here," I chuckled with my own joke. Pero hindi ko din maipagkakaila ang sakit at pait sa salita kong iyon. Tumalikod na ako at umalis na sa harap nila.

I was hoping that Circe would run after me. He would beg me to listen to his explanation. I even slowered down my walk just to wait for his steps but... no Circe came running.

Maybe, he was just infatuated to me. I think he thought he loves me to cover his feelings for her. Para bang ginamit lang ako upang takpan ang sakit na dinulot noong iniwan siya. Ginamit lang ako para sabihin ng mga tao na nakamove-on na siya. Ginamit niya lang ako. Ginamit lang.

Panakip-butas ako.

At doon nag-unahang bumuhos ang mga luha ko.
Bakit ganoon? Kung saan magiging masaya na kami ni Circe, may eepal? Siguro nga, hinayaan lang kami ng tadhana magmahalan pero- wait, let rephrase it. Hinayaan lang kami ng tadhana mag-mahalan kahit wala namang namamagitan. Can I cuss, please? Thanks.

Fuck.

Masakit lang kasi, eh. Naiinis ako. Kay Lexxa, kay Circe... sa sarili ko! Tanga ako, oo! Kasi hindi ko agad siya sinagot kahit ramdam ko ang pagkaseryoso niya sa akin. But what did I do? Naging pabebe ako. Daming ko pang arte. If sinagot ko na siya noon... may ipagmamalaki at panghahawakan sana ako sa harap ni Lexxa ngayon. Pero, wala, eh.

Nadatnan akong umiiyak ni Lencho at Aella habang pumapasok ako sa boarding house. Agad silang tumakbo papalapit sa akin.

"Mana, bakit ka naman umiiyak?" worried na tanong ni Lencho.

"Eury, sabihin mo sa amin kung sino ang umaway sayo at bubugbogin na namin," anang Aella. Pinapasok ako nila sa boarding house at pinaupo sa couch. Tumabi sila sa akin at saktong dumating din sila Helene at Chryseis kaya umupo din sila.

Living With My Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon