Chapter 09

989 42 1
                                    

Chapter 9

Stroll

Ilang buwan na rin ang lumipas at ngayon ay August na. Wala naman ata akong masasabi kung ano ang nangyari in those months pero... hindi ko pa ata kayang ishare sa ngayon.

Things might have gotten too fast to bear.

"Guys, what if mag-gala muna tayo today? Since wala namang pasok. Tsaka Saturday kaya ngayon," sabi ni Lencho habang naka-tunganga lang kaming lahat sa T.V na walang palabas. Brown-out kasi, kaya wala kaming magawa.

And yep, electric fluctuation ang nangyari sa buong school kaya walang kuryente sa institusyon sa ngayong oras. I know electricity would come back later.

Tapos ang seating arrangement sa couch ay...

Helene - Chryseis - Lencho - Acantha - Ako - Circe.

Oo, kasama namin si Circe. Wala daw siyang magawa, eh. Kanina pa naman siya hawak ng hawak ng kamay ko tapos ini-intertwine niya pa.

Oh diba, nakakakilig lang, with poker face.

"Saan naman tayo?" tanong ni Helene.

"Kahit saan..." sagot ni Chryseis.

"What if, sa mall nalang kaya?" suggestion ni Acantha.

"Sige. Ano okay kayo, guys?" tanong ni Helene sa amin.

"Sure," agree naming lahat tapos nagsi-tayuan na kami para makapag-bihis.

Lumakad na ako pero nahila ako ni Circe pabalik sa kanya. And then I realize that he's holding my hand pala.

"Ayaw ako hintayin?" sabi niya na parang bata. Ano na naman drama nito?

"Alam mo, napapansin ko na, ah... may crush ka ba sa akin?" diretsahan kong untag.

"Wala," sabi niya ng naka-ngiti. 'Yan na naman 'yang ngiti niya. Tsk.

"Oh, ayon naman pala, eh. Bakit ka hawak ng hawak ng kamay ko na para tayong mag-syota?"

"Gusto mo ba?"

"Na ano?"

"Na mag-syota tayo?"

Umiwas ako ng tingin."H-hindi, 'no! Ang kapal kapal mo talaga!"

"Asuuus. Haha."

Sheeeet. Tumawa ulit siya. Ba't ba may parang butterflies sa tiyan ko kung tumatawa o ngumingiti itong lalaking ito?!

Hindi pa talaga ako sanay kapag tumatawa itong kulogong ito.

"Tara na nga," hinila ko na sa kamay. Kaya holding-hands kaming umakyat. Walang na akong pake. May lakad pa kaming hahabulin.

Matapos naming magbihis ay nagsibabaan na kami. Lumabas na at nagtaka nalang kaming girls na papunta sila sa carpark samantalang nasa main gate ang waiting shed.

"Where you going?" ani Aella.

"Parking lot, obviously," matamang sagot ni Lencho. He was rolling his eyes. Why do guys look nicer rolling their eyes than eyes? They look more manly as they roll their eyes.

Nakita kong umirap nalang si Acantha pero tumabi pa rin ito kay Lencho. Desperatida be like.

Nakita naming may tatlong sasakyan na magkakatabi.

"Sa inyo 'to?" namamanghang suri ni Acantha sa tatlong sasakyan.

"Hindi, sa kanila." Turo naman ni Lencho sa tatlong poging nagtatawanan sa isang bench.

Living With My Crush (Completed)Where stories live. Discover now