Chapter 31: Cherish*

593 26 0
                                    

Chapter 31

Savour

"Huy, Rinrin..."

Bahala ka riyan. Manigas ka kakasuyo sa akin. After I caught you cheating? Tsss! Go to hell, Circe Leander Phrixus.

"Hindi ba sinabi sayo nila Lencho?"

Hinarap ko naman siya. "Ang ano?" tanong ko.

Nag-tiim ang bagang niya. Bigla nalang siya tumayo. "Dito ka lang. 'Wag kang sumunod," sabi niya tapos umalis na siya ng kwarto.

Eh di 'wag! Hindi ka kawalan, Circe! Puntahan mo na 'yong bago mo! Puntahan mo na iyong Rossel mo!

Kabadtrip.

If you're asking after I cried when I saw them hugging each other, narealize ko na hindi naman 'yon makakatulong sa akin that's why I stopped sobbing and thinking about the pain.

Because I know... hindi na uulitin ni Circe 'yung ginawa niya noon. Alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon ko.

Alam mo niyo 'yon? Kaunting pakipot lang din ako, 'no! Tsaka... I'm kind-of curious about that Rossel that's why I'm still not fixing the strings between us, not until Circe will open up with me. Akala ko pa naman sasabihin niya 'yung dahilan at kung ano 'yung nakita ko two days ago... pero wala. But I'm still waiting. Umaasang sasabihin niya lahat baling araw. Mahal ko, eh. Ano magagawa natin, diba? Asa lang.

Pero... sino ba talaga si Rossel sa buhay ni Circe? Bakit naman magkayakap sila?

Rossel Kernel, who the fudge are you?

Circe

Dali-dali kong kinatok ang pinto ng kwarto nila Lencho.

"Ikaw na ang bumukas!"

"Ayoko nga, Enchong! Face your fears! Go!"

"Kung hindi niyo bubuksan ang pintong 'to, mapipilitan kayong magpagawa ng bagong vintage door. Sinasabi ko sa inyo!" galit kong utas sa kanila. Naiinis talaga ako. Why didn't they tell her the truth? Galit tuloy sa akin si Rinrin.

Naghintay pa ako ng ilang sandali bago bumukas ang pinto. Nakatayo galing sa loob ang magkatabing si Lencho at Aella.

"Hi?"

Tinignan ko sila ng masama. "Bakit hindi niyo kaagad sinabi kay Rinrin?" seryoso kong tanong.

Napakamot ng ulo si Lencho. "Tsk! Akala ko nakalimutan mo na kasi two days na ang nakalipas..."

"Gago. Anong makakalimutan? Hindi ko kayo tinanong kaagad dahil akala ko maayos ko agad ang sa amin ni Rinrin... pero, ang hirap, bro... hirap suyuin 'yong mahal ko," sabi ko.

"Tanungin mo si Clyde. Mahal niya din si Eury-"

Pinutol ko ang sasabihin ni Lencho ng masama ang tingin.

"Sabi ko nga, mahal MO lang," sabi nito sabay ngiti.

"Tulungan niyo ako..." sabi ko naman. Ang hirap kasi talaga. Ayaw magpatinag ni Rinrin. Lakas.

"Ano 'yang tulong na 'yan?"

Napa-tingin kami sa pinto ng kwarto nila Clyde nang lumabas si Lexxa. Nagpagawa kasi kami ng bagong kwarto para sa dalawa dahil bawal na sila doon sa lower grade boarding house. Buti nga at hindi nasisira ang kwarto dahil sa ka-highblood ni Lexxa kay Clyde.

"Eh kasi, hanggang ngayon, hindi pa sila okay ni Eury," sabi ni Aella. "Wawa..." dagdag nito sabay pout.

"Hindi pa rin?" biglang labas ni Helene kasabay si Chry.

Living With My Crush (Completed)Where stories live. Discover now