Chapter 34: Substantial*

679 32 0
                                    

Chapter 34

Importance

Dumaan na ang Christmas at dito si Circe nagspend ng Christmas eve niya habang doon naman kela Mrs. Fiester siya nagchristmas kasama sila Rossel at ang Fiester family. Naroon din daw si Mang Roben. Well, glad to hear that.

But one thing that really bothers me... nasaan kaya ang Dad ni Circe? I didn't saw his Dad even once... and I'm willing to grab the chance if you'll let me see him. 'Di kasi, hindi ko pa siya nakitang kasama si Circe. Or yet, hindi ko pa nakita ang family ni Circe except Mrs. Fiester, Mang Roben, and Rossel.

Dumaan na din ang New Year at sinipag kong tumalon ng tumalong hanggang sa tumaas na ako. Sabi daw nila. eh. They have to jump when New Year's eve is approaching.

At kapag sinabi kong new year na, balikan na ng klase. Bumalik na din kami sa boarding house. Hindi pa naman talaga balikan ng klase, it's Sunday's evening. Bukas na ang Monday, and obviously, simula na ng school.

Nandito kami sa sala at nag-uusap-usap tungkol sa Christmas break experience.

"Ikaw, Eury, kumusta naman ang Christmas mo?" tanong ni Helene sa akin.

"Ha... well, okay lang. Especially when someone gave me his gift on my birthday... and advance gift for Christmas," sagot ko and I chuckled.

Kinikilig pa rin ako sa ginawa ni Circe 'nong birthday ko. Tapos palagi niya akong ninanakawan ng halik 'nung makababa na kami. Advance Christmas gift niya daw 'yon. Then 'nong Christmas eve naman, kiss din. Pero mas mahaba ang oras 'non kumpara sa mga nakaw niya. Kissing monster ang Hubby ko, 'no?

"Uy, Part, sorry kung 'di ako nakapunta noong 26, ah. Ito kasing si Lexxa, hindi sinabi na magkaibigan pala ang mama at ang papa ko. Ayan tuloy... napilitan akong pakisamahan 'tong babaeng 'to..." sabi ni Clyde.

"Wow. Eh di sana, hindi mo nalang ako sinamahan. Nakakahiya naman pala sayo?"sabat ni Lexxa. Hindi nalang pinansin ni Clyde.

And regarding doon sa '26' na sinasabi ni Clyde, well, pumupunta sila ni Tita Chloe after Christmas day para daw makapag-bonding din sila ni Mommy. Tapos naging routine na nila Clyde ang gawaing 'yon na every 26, pumupunta sila sa bahay upang makapag-celebrate ng after Christmas with us.

Nakayakap lang si Circe sa likod ko. Sa sahig pala kami naka-upo at synchronized into circle kami. Nasa likod ko si Hubby at nakayakap siya sa akin.

"I love you..." bulong niya. I leaned on his shoulders.

"I love you more." tinignan ko siya. "Chyaar!" tapos napatawa ako.

"Ginagaya mo na ang Always Be My Maybe ngayon?" tanong niya.

"Eh noon ko pa naman 'yan ginagaya, ah?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Ehem."

Napatingin naman kami pareho 'noong tumikhin si Lexxa at doon naming napansing nakatingin silang lahat sa aming dalawa.

"Oh?" sabi ko sa kanila.

"Mahal niyo talaga ang isa't-isa, 'no? Nakakahiya..." sabi ni Aella.

Tumawa lang kami at patuloy pa sa pag-uusap. Bandang mga 10 PM, nagsiakyatan na kami at nagsipasukan sa kani-kanilang kwarto. Matapos kong masara ang pinto ay agad akong isinandal ni Circe sa pinto at hinalikan ng mapusok. I responded but the kiss ended a few seconds.

"Ba't ang sarap mong halikan?" he huskily asked.

"Eh kasi... maganda ako?"

"Mahal kita, kamo..." then he kissed me again and I responded.

Living With My Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon