Chapter 20

762 34 0
                                    

Chapter 20

Again

Natapos 'yong English period namin nang magrecess na kami. Siyempre, kasama ko si Clyde na pumunta sa canteen at dumiretso sa School Fields.

"Part, kumusta ka na?" tanong sa akin ni Clyde. Nagli-libot kami since break pa naman. Napadpad kami sa kabilang parte ng School Field.

"Ayon, maganda pa rin..." hindi komportableng sagot ko. Kahit naman kasi ang gaan na kaunti ang pakiramdam ko, lumilipad pa rin ang isipan ko kay Circe.

He laughed. "Joker ka pa rin," aniya. Mabili pa sa mabilis akong napatingin sa kanya. Tinitigan ko siya ng matalim.

"Gago ka pa rin," may pagtatampo kong sabi.

Napatawa lamang ito. "Namiss kita, Part, ah," inakbayan niya ako at ngumiti.

"Namiss din naman kita, Part!" inakbayan ko din siya kahit hindi ko naman abot. "Nakakahiya talaga sa'yo, Part. Ang tangkad mo!" sabi ko.

"Hindi ko naman kasi kasalanan na matangkad ako. Tsaka..." inilapit nito ang kanyang labi sa tenga ko. "Mag-magic ka para tumangkad ka..." bulong nito na agad na nagpangiwi sa labi ko.

Pinalo ko agad siya at lumayo. "Ang pervert mo talaga! Now, I'm wondering of all men out there, ikaw pa 'yong naging kababata ko!" ani ko.

"Nagtataka na rin ako, Part. Same pala tayo ng iniisip?" sinundan niya iyon ng tawa.

Si Clyde Zacren Cernal. Kababata ko slash partner in crime ko. Simula't sapol, siya lang talaga 'yong naging kaibigan kong lalake. Dito lamang ako sa DSU nagkaroon ng kaibigan na lalake. Paano ba naman kasi, noong nasa previous school palang ako at ganoon rin si Clyde, walang ni isang lalake na nagtatangkang lumapit sa akin sa loob ng school and even outside the Heat Blast Academy dahil kay Clyde iyon. Possessive siya simula't sapul sa akin kaya ayon. Ganoon rin 'yung ginawa ni Kuya Yuro sa akin, ang kapatid ko, ngunit hindi na niya natulongan si Clyde dahil grumaduate na ito.

Tsaka, nagtataka ako kung bakit lumipat ito ng school eh sa pagkakaalam ko galing kay Mommy ay running for Valedictorian raw ito.

Kaya naman tinanong ko siya.

"Bakit ka nga pala nag-transfer, Part?" tanong ko. Napaupo kami sa isang bench doon at kaharap na namin ang soccer field.

"Wala," napa-halakhak siya. "Trip ko lang naman lumipat ng school. Nakaka-sawa na kasi sa HBA. Tsk," simangot na sagot niya. "Tsaka, I want to guard you now. Hindi ko pala kayang mawala sa bestfriend ko," sabay akbay sa akin.

"Ang yuck at drama mo! Layo nga ng kaunti!" angal ko sa pagkakaakbay niya.

Tumawa lamang ito.

Sa katunayan nga, kung ano trip ko, trip niya din. Gaya noong una, isip-bata pa talaga ako noon. Pumunta kami kela Lola Paring. Eh, hate ko si Lola Paring noon kasi ayaw akong bigyan ng singko. Bata pa kami noon. Mga six years old ata kami 'non.

"Lolaaaaa, give me five pesos naaaa," pamimilit ko ngunit ayaw paring magtinag ang matanda. Kabadterp.

Ugh! Bakit ayaw akong bigyan ng singko ni Lola!? Eh, singko lang naman.

"Huwag nga! Andoon si Zac, oh! Laro nalang kayo!"

Simangot akong tumakbo kay Zac. Napansin niya iyon.

"Oh? Anyare sa mukha mong panget?" tanong niya sa akin.

"Ayaw akong bigyan ng singko ng matandang 'yun. Ang kuripot. Akala niya naman tumatakbo siya sa pagiging mayor. Duh." I rolled my eyes after I said that.

Living With My Crush (Completed)Where stories live. Discover now