Chapter 27

800 28 8
                                    

Thank you for supporting! :)

Chapter 27

All

"I love you..."

Napadilat ako ng mata ng makarinig ako ng boses ni Circe. Kinusot ko muna ang mata ko bago tignan kung saang banda ko narinig ang boses na 'yon.

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Circe sa harap ko. Ang lapit-lapit ng mga mukha namin.

He suddenly kissed me. "Goodmorning," ani nito tapos ngumiti bago nilayo ang mukha.

Nag-unat muna ako. "Ano ba ang ginagawa mo rito?" tanong ko. Tinignan ko naman ang kama nila Helene at Lexxa pero wala na sila. Bumaling ako kay Circe. "Nasaan ang iba?" tanong ko ulit.

"Nasa baba na sila lahat. Ikaw nalang ang hinihintay. Masyado mo naman akong pinaginipan na aabot sa puntong ayaw mo nang magising," tapos sinundan niya iyon ng tawa.

"Hoy, ang feeler mo, ah!" tapos umiwas ako ng tingin.

Tinignan ko ulit siya. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama ko habang nakangiti. Napa-ngiti na din ako.

Masarap isipin na pagkadilat mo sa umaga, mukha kaagad ng mahal mo ang makikita mo, ano? Iyong boses agad ng mahal mo ang maririnig mo. At siya ang kauna-unahang makakausap mo sa umaga.

Kung magtatanong kayo kung ano ang nangyari kagabi, well... we just talked. We talked about random stuffs. Then we just hugged all night. Tapos tinawag kami nila Helene. Mabuti nga at nakita kami nila. Kung hindi, baka doon na kami natulog.

"Ano, hindi ka na uuwi?" tanong nito.

Tamad akong tumayo. "Ngayon na talaga tayo babalik? As-in?" dismayado kong tanong.

"Oo, kaya maligo ka na at magbihis. I'll wait for you outside..." lumapit muna siya sa akin and gave me a peck on the lips. "Dalian mo," bulong niya tapos lumabas na.

Kagaya nga ng sinabi niya, naligo na ako at nagbihis. Isang skirt na kulay pink lang tapos tee shirt na kulay pink din ang suot ko. Mayroon akong headband na souvenir pa ng Bail's Ocean.

Pinihit ko na ang pinto at tumambad sa akin ang napakagwapo kong boyfriend.

"Pst," tawag ko sa kanya. Tinignan ko muna ang watch ko and it's now 8:32. The last time I checked the time, it was 7:11. Napatingin ako kay Circe. "You waited for an hour?" I asked him.

"Uh... yeah. Kailangan, eh," he smiled. "Basta ikaw."

Na-touch naman ako. I walked to him and hugged him. "I love you..."

"I love you, more." he whispered.

Natatawa akong kumalas at tinignan siya. "Haha. Akala ko, dudugtungan mo ng 'char'. Hahahaha!"

"Eh hindi naman tayo ang cast sa Always Be My Maybe, eh. And we will never be. Because maybe is a word that isn't sure about something and forever is a word that although it is still not proved atleast... we believe," linapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Tsaka, hindi tayo broken-hearted. We're perfect for each other..." tapos lumayo siya.

"Ikaw talaga," I pinched his nose. "Ampogi mo." sabi ko sa kanya.

"Alam k--"

"Akala ko naman kung ano na ang nangyari kung bakit kayo matagal, naglalandian lang pala."

Napatingin ako sa nagsalita. It was Lexxa. Napa-'ehem' si Circe.

"Uh... let's go downstairs?" aya nito.

Nailang akong tumango. "Tara..." sabi ko. Lumakad na si Circe at linagpasan si Lexxa. Nakatingin lang si Lexxa sa likod ni Circe na naglalakad palayo.

Living With My Crush (Completed)Where stories live. Discover now