Chapter 38: Disparate*

654 31 4
                                    

Chapter 38

Say

Para malibang ang sarili ko ay pupunta nalang muna ako sa park ng DSU. Namiss ko din 'yun, eh.

Habang naglalakad ako, biglang nagvibrate 'yung phone ko kaya dali-dali ko 'yung binuksan sa pag-aakalang text 'yon ng boyfriend ko... pero, nagkamali ako. Classmate ko pala ang nagtext. GM pala.

From: Jessa Corpin.

Minsan, may nangyayaring mga bagay na hindi mo alam sa mahal mo. 'Yung, hindi mo alam, ilalayo na pala siya sayo... ini-engage na pala siya... o ano pa. Minsan, may mga bagay na nangyayari ng hindi mo alam.

Goodafternoon folks! :*
Itexx nyo nga ako :) boring eyyy. Sige, salamat ha. Hahaha lol.
/GM.#SomethingYouDon'tKnow

Hala. May pinagdadaanan ba 'tong si Jessa? Parang ang hugot-hugot naman nitong GM niya. Parang nangyari na sa kanya.

Pero... at some point, may punto siya, ah. May mga bagay bagay talagang nangyayari ng hindi mo alam o hindi ka alerto. It's either ikaw ang malayo, o siya ang nasa malayo. 'Yun 'yung mga nangyayari sa karamihan, eh. May palihim siyang ginagawa ng hindi mo alam o nakikita. May patago siyang ginagawa ng malayo sa atensyon mo. That's called betrayal, I think.

Itinago ko nalang ang cellphone ko at umupo lang muna sa bench na unang nakita ko na vacant. Umupo lang ako hanggang sa may naalala akong parte ng park na hindi ko na pala masyadong napupuntahan.

Sa Sacred.

Tumayo na ako at niready ang sarili ko. Nagsimulang na akong maglakad.

'Nung malapit na ako, dahan-dahan lang ako sa paglalakad dahil may narinig akong nagsisigawan sa gitna ng Sacred.

Tumago naman ako sa mga bushes doon.

"BAKIT NIYO NAGAWA 'TO?" sabi 'nung babaeng sa tingin ko ay kanina pa umiiyak. Kaharap niya 'yung isang lalake at babae.

"Ano ba ang ginawa namin sayo, Trisha?" nagsalita naman 'yung babae.

"Whoa! Nakakashock kayo, ah. NAGPAPAKA-INOSENTE KA PA TALAGA, NICOLE? Ha! Wow, ha. WOW."

"Ano ba kasi talaga, Trisha? Bigla ka nalang sumisigaw dyan eh kita mong nag-aaral kami," nag-salita naman 'yung lalake at ipinakita ang librong hawak. Nagulat naman ako nang makita ko 'yung libro.

Fifty Shades of Grey.

Hindi 'yon nakikita ng Trisha dahil agad niya itong itinago sa likod. Kaunting nano-second niya lang kasi inilabas 'yon para hindi talaga makita ni Trisha 'yung librong hawak.

"Nag-aaral ng ano? NAG-AARAL NG KALANDIAN?" Tumingin naman si Trisha doon sa Nicole. "Akala ko ba, kaibigan talaga kita? Akala ko ba, AKIN LANG SIYA? Ba't mo siya nilandi, Nicole? Bakit mo siya inaagaw sakin? Akala ko rin, tutorial lang ng lessons dahil ilang weeks siyang absent? Akala ko ba, tinuturuan mo lang siya ng mga equations? Bakit kasama ang paglandi? B-bakit..." humahagulhol na 'yung Trisha.

"Trisha, hindi ko kasalan na maganda at matalino ako, okay? 'Wag ka ngang insecure. Psh," sabay irap ni Nicole. "Let's go, Mark. We're wasting our time here..." hinigit niya 'yung lalake paalis.

"Y-yeah..." 'yon lang ang nasabi niya. Hindi niya man lang pinili 'yung girlfriend niya.

Whoa. Paano nila nasisikumura 'yung kanina? 'Yung nananakit sila without even getting guilty? Ako, kahit masaktan ko si Circe, I'm still going to say sorry. Pero sila, phew. Wala.

Hinanap ko pa 'yung dalawa pero hindi ko sila nakita. Binalikan ko 'yung babaeng kanina pa umiiyak.

"Trisha, right?"

Living With My Crush (Completed)Where stories live. Discover now