Chapter 28

724 30 0
                                    

Chapter 28

Feel


Balikan na ng klase. Hay nako, 5 days before christmas break ulit. Part two ata next week then christmas na. Hindi pa siguro nakuntento si Mrs. Fiester sa school days kaya nag-announce siya ng school days ngayong week.

Magkasabay kaming naglalakad nila Helene at Aella papunta sa classroom namin. Kasama din namin si Lexxa. Nasa likod nga lang at may kung anong kinakalikot sa cellphone niya. Ang blog daw ng DSU, eh.

"Grabe talaga 'tong si Mrs. Fiester," reklamo ni Helene. "Ba't hindi niya nalang diniretso ang bakasyon?" dagdag pa nito.

"Kaya nga," segunda naman ni Aella. "Tinatamad na din kasi ako. Gusto ko nang umuwi," napakamot si Acantha sa kanyang ulo.

"Tsk, bahala na, Aella," sabi ni Helene kay Acantha bago binaling ang tingin sakin. "Ikaw, Eury? Do you have any opinion?" tanong niya sa akin.

"Huh? Wala naman..." ngumiti ako.

"ANO!?"

Napatingin naman kami kay Lexxa na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa cellphone. Tumingin naman ito sa amin.

"Hey guys, look..." lumapit siya samin at ipinakita ang nakalagay doon sa screen.

Binasa naman namin ang nakalagay doon.

DSU's BLOG #672

Mrs. Fiester accepted a new transferee named Rossel Kernel. A fourth year student from Bavesta High. She's also in the first section so obviously, she will be inserted in the Fourth Year section one.

"Huh? Akala ko ba hindi na tatanggap ng transferee basta nasa third quarter na? Ano naman 'to?" takang tanong ni Aella.

Tama siya. Ang pwede lang mag-transfer is sa first quarter to second quarter daw para hindi talaga siya malate sa lessons at para daw maka-level pa siya sa kaalaman ng ibang students. Pero, bakit naman mayroong tinanggap si Ms. Fiester na transferee?

"Iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito kahit hindi ko pa nakikita..." sabi ni Lexxa.

Napatingin naman kami sa kanya.

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"I don't know," she flipped her hair. "At kung bakit man, alam kong iba ang babaeng 'yan. She's something I don't know..." at umuna na siya sa paglalakad.

Nagkatinginan lang kaming tatlo bago sumunod sa kanya.

Pumasok na kami sa classroom at umupo na sa mga upuan namin. Katabi ko si Circe, syempre. Pero parang hindi lang ata ako ang katabi niya dahil mayroong bagong upuan sa tabi nito.

"Okay ka lang?" tanong ni Circe.

"Yeah..." ngumiti ako.

"You sure?"

"Oo," sabi ko.

Ilang sandali lang ay dumating na din ang aming bagong adviser na si Ms. Ayumi. Nag-retire na kasi si Mrs. Highblood--este, Mrs. Hayah pala.

"Goodmorning, class," bati ni Ms. Ayumi sa amin at ibinigay ang kanyang napakatamis na ngiti.

"Good morning, Ma'am," balik-bati namin.

"So, sino ang naka-open sa blog ng DSU? Taas kamay," sabi ni Ms. Ayumi.

Nagsitaasan naman ang ilan kong classmates. Since nakakita naman din kami sa blog, nag-taas din kami ng kamay.

"So, as shown on the first article, may new transferee tayo. I know na hindi na pwedeng may magtransfer sa third quarter pero related kasi ang pamilya Kernel at pamilya Fiester kaya pumayag na si Mrs. Fiester. Kaya ayon..." ngumiti si Ms. Ayumi ulitl. "Sana ay maging okay kayo sakanya dahil magiging classmates niyo siya," dagdag pa niya bago tumingin sa labas. "Oh, nandito na pala si Ms. Kernel..." sabi ni Ms. Ayumi.

Living With My Crush (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora