Chapter 36: Commune*

757 30 4
                                    

This chapter was inspired by MMK-Ronnie Alonte's story. Tibay kasi ng pagmamahalan nila ng Papa niya kaya na-inspire ako. :) Hope you'll enjoy reading this!

Chapter 36

Forgive

Matapos kong matext si Wifey, tinawagan ko agad si Mrs. Fiester.

"Hello?" panimula ko.

"Ronnie? Napatawag ka, apo?" malumanay na sabi nito sa akin. Tumingin ako kay Dad. He's smiling yet he's crying. Yeah yeah, he's crazy, I know.

"Can you come here at Jail Chambers?"

"ANO? NAKULONG KA?"

"Uhm... hindi po. But... can I ask a favour?"

"Ano iyon?"

"Can you free Dad from being a prisoner? Palayain niyo po siya. Please?" pakiusap ko.

"I'll be there. Wait for me," sabay end sa tawag.

Tumingin naman ako kay Dad na nakatingin parin sa akin. He's about to hug me but I refused him down.

"Wag muna ngayon, Dad. Nakakahiya," ngumiti ako.

Tumawa lang ito. Iyong tawang binibigay niya sa anak niya. Iyong tawang binibigay niya sa akin noong... masaya pa kami. Huminga nalang ako ng malalim and reminded myself na wala nang urongan. After all, he's still my father. My one and only father.

Ilang sandali lang biglang may bumukas ng pinto at si Mrs. Fiester at Rossel pala 'yon. Patakbong lumapit sila sa amin. Agad akong yinakap ni Mrs. Fiester at tumingin sa kaharap ko.

"Ronn, ano na naman ito?" seryosong sabi nito kay Dad.

"M-ma..." napayuko si Dad at umiyak. Nakatingin lamang ako sakanya na tumataas-baba ang balikat dahil sa sobs at hagulhol. I feel sorry for him. But he should say sorry to us. To all of us. To his family.

"Hindi ako magtatanong kung ano na naman ang ginawa mo kung bakit ka nakulong. Ikaw na mismo ang magsabi sa mga anak mo. I'll pay your case. Sinabi na din sa akin kanina na normal case lang ang kaso mo ngayon kaya pwede pang bayaran at hindi pa kailangan ng abogado," umayos na si Mrs. Fiester para umalis.

"Tsaka Dad, kay Kuya Ronnie niyo nalang po sabihin ang mga dapat mong sabihin. I'm used to this one naman po, eh. Iyong palagi kang nawawala tapos tumatambay ka na pala sa loob ng prisinto. Nakakapag-taka nga kung bakit CEO pa kayo sa Main LC Business eh barumbado naman ang pagkatao niyo. Pero sabagay, walang ibang taong ganyan kundi ang isang Claveronn Lachelis lang. Papa pa rin po ang turing ko sa inyo kahit sinasaktan niyo ako araw-araw noong nasa pudir mo pa ako. Salamat sa lahat at mahal ko po kayo," maligayang sabi ni Rossel. Tumingin siya kay Mrs. Fiester. "Tara na po, La. Bye, Kuya Ronnie, see you at school..." tapos umalis na sila.

Matapos nilang makalabas ay may lumapit sa aming dalawang pulis. Nakatingin ito sa akin.

"Sir, ikaw po ba ang anak niya?" turo niya kay Dad. "At ang asawa ng babae kanina?" dagdag tanong niya pa. Napangiti tuloy ako nung maalala ko 'yung sinabi ni Wifey kanina.

"Asawa po ako ng anak niya."

"Asawa? Kailangan ka pa nagka-asawa, Ronnie?" mapanuring tanong ni Dad sa akin.

"Hmmm... tagal na," tapos napatawa ako sa naisip. Tumingin naman ako sa pulis. "Opo, ako nga po. Bakit?"

"Your father is free to go, now. Malaya na siya."

Napangiti naman kami dahil doon.

"Salamat po," sabi ko sa kanila. Inayos na namin ang mga dapat ayusin at naglakad na palabas. Ibinigay ko din ang damit na dala ko kanina. Naging kaaya-aya na ang sarili niya.

Living With My Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon