Chapter 35: Adequate*

756 27 0
                                    

Chapter 35

Okay

Napag-alaman kong walang permanent place si Sir Ronn-ang Papa ni Hubby. Kung naalala niya daw kasi ang mga babae niya, hindi siya nalalayuan ng konsensiya niya kaya lumilipat siya ng tirahan. At... kasama na naman ng kanyang bagong babae.

Sabi ni Hubby, naging ganyan si Sir Ronn simula noong namatay ang Mama ni Hubby. Maybe... Sir Ronn just love his wife very much that's why he became like that. If Sir Ronn is loyal to Hubby's mom then he'll not be like that... hindi siya magiging pala-babae.

That's ew. Nako, kung mamatay ako tapos magiging ganyan si Hubby? Mumultuhin ko talaga siya! Hinding-hindi ako titigil sa pagmumulto sakanya para matigok din siya at magkasama ulit kami. Mahal ko, eh.

"Let's go..." hinawakan ni Hubby ang kamay ko at iginayak palabas ng boarding house.

May pupuntahan daw muna kami bago puntahan ang nakuhang location namin galing kay Kuya Yuro. Oo, nagpatulong kami sa family ko at happy to say, marami silang koneksyon at isa sa mga manager ng company ni Kuya Yuro, naging client siya ni Sir Ronn kaya may naging source din kami.

I looked at Hubby na nakatingin lang sa daan at hinahawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa carpark. Naroon ang sasakyan niya. Napag-alaman ko ding si Mrs. Fiester ang bumili ng Ferrari ni Hubby. How sweet.

"Hey, kalma lang," hinagod ko ang kanyang likod. "Everything will be fine. Don't worry..."

Nag-smile lang siya sa akin ng tipid. I know he's nervous. And if you think that I just comforted him yesterday when he confess his pains... no. I also cried. I can't barely think that my love's crying. Nasasaktan din ako. Sa totoo nga, ako pa ang mas umiyak kesa sa kanya.

"Kuya!"

Napatingin kami sa tumatakbong si Rossel.

"Uy..." Hubby acknowledge her. "What?" mahinahong tanong nito kay Rossel.

"Uhm... I just want to say good luck. Sana lumambot na din si Dad."

"Yeah... sana nga."

"Okay, 'yon lang-"

"SEL!" biglang may dalawang babaeng tumawag kay Rossel.

"Kazz, Leanne..."

"Ba't di mo kami sinama sayo? 'Di mo sinabi na gwapo pala talaga ang Kuya mo..." sabi naman noong babaeng halatang sophisticated sa fashion.

"Ano ka ba!" pinalo ito ni Rossel. "Taken na 'yan, 'no! May asawa na 'yan."

"Ay, sayang..." sabi noong nerdy.

Napatawa lang kami sa kanila. Maybe, classmates siya ni Rossel. Napunta na siya sa second year kaya siguro may naging kaibigan siya doon.

"Mind if you'll introduce them to us, Rossel?" tanong ni Hubby.

"Sure!" sang-ayon ni Rossel. Hinigit niya sa kaliwa 'yong sophisticated girl. "This is Kazz Florine De Fuentos. And..." hinigit naman ni Rossel sa kanan 'yung babaeng nerdy. "Si Leanne Marisse Soberno. My friends..." ngumiti si Rossel ng masaya.

Napangiti naman ako. "That's great," agad na sabi ko sa kanya.

One time, we talked. She said that malabo daw na magkaroon siya ng mga kaibigan dahil sa pagiging lampa niya at hindi bagay sa lahat ng bagay... and now, look at her. She have her friends beside her. How happy is that, right?

"Mabuti naman at may kaibigan ka na, Rossel..." puna ni Hubby.

"Oo nga! Nako, napakahiyain talaga nitong si Rossel! Sarap kutusan," sabi noong sophisticated girl which is si Kazz.

Living With My Crush (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें