CHAPTER 2

16.9K 483 9
                                    

NATHAN

I HATE HIM!

But I love him at the same time. Sobrang galit ako sa kanya. Of all the people in the world, bakit pa sya ang nagustuhan ko? Bakit sa lalaki?!

This is the first time na ma-inlove ako. At sa kanya ko pa ito naranasan! Kaya galit ako sa kanya. At mahal ko sya. I don't have any idea how this foolishness happened, hindi ko alam kung bakit pero I felt that there's something between us noong una pa lang kaming nagkakita sa 'Family Park' na malapit sa campus. I was alone that time, nakaupo ako sa isa sa mga picnic tables doon, I was waiting for my bestfriend Bradley. Dumating sya habang nagbabasa ng isang book na may reddish-orange na cover. May disenyo itong bilog sa harapang cover na I think symbolizes light. Lumapit sya sa akin, asking if I can share the table with him. Pumayag naman ako agad, sino ba naman ang makakatanggi sa napakaganda nyang ngiti? Sabay noon ang pag-upo nya sa tapat ko. He remained sitted there while reading his book, habang ako naman ay napanganga sa pagtitig sa kanya.

Type ko sya. Sigaw ng isang bahagi ng aking utak. Naalarma akong bigla sa isiping yon, dahil unang beses na naramdaman ko 'yon. Nagpanic ang aking kalooban, kaya nagmadali akong umalis papalayo sa kanya. Pero tumatak sa akin ang maamo nyang mukha. Ang matangos nyang ilong. Ang kanyang kilay na katamtaman lang ang kapal. Ang kanyang manipis at mapupulang labi. Ang makinis nyang kutis.. Ang kanyang sweet smile.... Hindi yon mabura sa isipan ko nung panahong yon.

A few weeks passed, first day of school na. Akala ko'y nakalimutan ko na sya, pero isang katotohanan ang sumampal sa akin. Nakita ko syang muli sa loob ng university na aking pinapasukan. Suot nya ang uniform na kapareho ng sa akin. Mukhang schoolmates pala kami. Kasabay ng pagsulyap nya sa akin ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko alam pero totoo ba talaga ang love at first sight? Kasi yun yung naeexperience ko ngayon. Di ko alam kung naaalala pa nya ako, pero ako, namiss ko sya.

Kaya ba hindi ako nagkakagusto sa mga babaeng nakikipagflirt sa akin, ay dahil bakla ako? Kaya ba hindi ko inisip na magkagirlfriend, kahit mga babae na mismo ang nagcoconfess ng feelings nila sa akin? Noong una, akala ko'y ayoko lang ng commitment, nang sa ganun ay malaya akong gawin ang gusto ko, yung tipong kahit makipaglandian ako sa iba't ibang babae ay magagawa ko. Pero mukhang hindi iyon ang dahilan.

Bakla ako, at mahal ko si Nick, muling sigaw ng boses mula sa malayong bahagi ng aking utak.

Erase! Erase! Erase! Ayoko ng ganito! Kelangan kong pigilan ang bagong damdamin na nadedevelop sa akin. Kailangan kong gumawa ng paraan bago ako tuluyang mahulog sa kanya.

Isa lang ang pumasok sa isip ko noon. Ang gawin syang kaaway. Ang kamuhian ko sya. Kaya since then ay lagi ko na syang pinagti-tripan at binubully, dahil pinahihirapan din nya ang aking damdamin. Ano na lang ang sasabihin ng buong campus kapag nalaman nila na isa sa kanilang basketball player ay nain-love sa kapwa lalaki? Hindi nila matatanggap yon. Ikakahiya ako ng lahat. Ayoko sa kanya.

Ayaw ko nga ba?

Lumipas ang mga araw at pinanatili ko ang distansya namin sa isa't isa. Gumawa ako ng invisible barrier na imposibleng masira. Sinabi ko rin sa barkada ko na may ginawa syang kasalanan sa akin, kaya gusto ko syang ibully. Hindi naman sila nagtanong pa at sumang-ayon na lang sa gusto kong mangyari. Kinalaunan ay nag-eenjoy na sila sa aming pinaggagagawa. Ang tanging rule lang na sinabi ko, we're gonna bully him emotionally and not physically.

Marami na akong kalokohang ginawa sa kanya nang mga nagdaang buwan. Binuhusan ng pintura sa katawan, itinali sa poste, nagvandal sa kanyang locker, sinira ang mga materials nya para sa kanyang presentation, at marami pang iba. Kadalasan ay mga barkada ko lang ang nag-iisip at gumagawa ng mga kalokohang 'yon, at ako ay nanonood lamang. Pero pag kaharap ko si Nick, nagkukunwari akong halimaw at nakikigaya ako sa trip ng aking mga barkada. Sa tuwing maipapamukha ko na galit ako sa kanya, inaakala kong nababawasan noon ang pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi. Minsan dumadating sa point na hindi ko na kayang magpanggap sa harapan nya. Dumadating sa point na gusto ko na lang na hilahin sya at ikulong sa aking mga braso at ipangakong hindi ko na sya sasaktan.

Mr. Bully Loves Me!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon