CHAPTER 15

10.4K 281 3
                                    

NATHAN

HINDI KO ALAM KUNG NANANAGINIP BA AKO. I still can't believe kung totoo ba ang mga nangyayari... Si Nick, sa akin na? hindi ako makapaniwala. Parang hindi totoo, pero kapag nandyan na sya at nakangiti sa akin, saka ko lang narerealize na totoo ngang ako na ang nagmamay-ari ng puso nya. Pwede na akong mamatay, hehe. Pero ayoko pa, baka kasi malungkot ang baby ko.

Para akong tanga na ngingiti-ngiting mag-isa dito sa loob ng banyo. Magkikita kami ni Nick mamaya, magdedate kami. Actually, hindi date. Kasi kasama ang aking mga minions! Sina Fred, Kevin, at Paolo. Nagrequest kasi sila, palibhasa madalang na namin silang makita. Huli namin silang nakabonding ay nung sa Bicol pa, kaya hindi ko na sila natanggihan, kahit na ang original plan ay kami lang ni Babe ang manonood ng sine.

Pagkatapos kong magshower, ay namili na ako ng magandang suot. Syempre, gusto ko laging magmukhang gwapo sa paningin ni Nick, all the time. Though naiinis sya minsan pag pumoporma ako, kasi marami raw babaeng tumitingin sa akin. Paranoid si Babe, as if namang ipagpapalit ko sya sa iba, Never!! Pero naiintindihan ko sya, kasi ganun din naman ang nararamdaman ko, kapag maraming tumititig sa babe ko, nakakaselos.

Simpleng jeans at black na poloshirt lang ang aking suot. Dinaan ko na lang sa hairstyle ang aking porma. At syempre, yung paboritong pabango ni Babe. Kapag naglalagay kasi ako nito, eh laging isinisiksik ni Nick ang mukha nya sa leeg ko, nakakaadik daw kasi ang amoy. Haha.

Matapos mag-ayos ay sumakay na ako ng kotse para sunduin si Nick. Pumasok muna ako ng kanilang apartment para ipagpaalam sya kila Max at Queenie, parang parents lang, hehe.

"Ingat ha!" masiglang paalala ni Queenie. "Iwasang maghalikan sa loob ng sinehan," dagdag pa nya. Napangiti na lang ako, habang si Nick ay namula.

"Susubukan kong pigilan," sagot ko kay Queenie. Si Max naman ay tinanguan na lang kami habang nakangiti. Tanggap na kaya nya ako, para kay Nick? Sana lang.

Nang makasakay na kami sa kotse ko ay nag late lunch-date (very late lunch, actually) muna kami ni Nick sa isang restaurant na nadaanan namin along the way. Wala namang masyadong tao, kaya hindi na namin itinago ang aming sweetness. Halata namang nag-eenjoy si Nick.

Matapos mananghalian ay tinagpo na namin ang tatlong ugok sa mall. Gumala muna kami saglit, namiss daw kasi ni Nick na maglakad-lakad sa lugar na ganito ang environment, okay lang naman dahil mamaya pa ang showing nung gusto naming panuorin. Naglaro muna kami sa arcade. Nang magsawa na ay bumili na kami ng popcorn, drinks, at ng tickets.

Walang masyadong tao nang makapasok kami sa loob ng sinehan, kaya nakahanap kami ng magandang pwesto. Alam kong hindi mahilig si Nick sa horror films pero nagpumilit ang tatlo, kaya wala na syang nagawa pa. Well, andito lang naman ako sa tabi nya, kung di sya makatingin sa movie screen.

"Nick, hindi ka ba inaatake ng phobia sa loob ng sinehan," tanong ko dito nang makahanap na kami ng pwesto.

"Hindi naman, bakit?" tanong nito.

"Eh kasi nga, di ba madilim, lalo na ngayon at horror ang papanuorin natin," paliwanag ko.

"May sapat na ilaw naman kahit papaano, kaya ok lang ako. Don't worry," sabi nito saka ngumiti. Confident ah.

"Basta kapag natatakot kang tumingin ng screen, andito lang naman ako eh, halikan tayo," biro ko sabay tawa.

"Sira ulo!" bulyaw nya sa akin.

"Naks! Ang sweet! Baka langgamin na kayo dyan?" biro ni Fred.

"Inggit ka lang, bro," bawi ko dito. Babawi pa sana sya pero nagsimula na ang palabas.

Hindi ako makaconcentrate sa panonood, kasi panay ang sulyap ko kay Nick. Natutuwa kasi ako sa mga small reactions nya sa palabas, lalo na kapag may nakakagulat na part. I can't help it, he's so cute! Haha.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now