CHAPTER 17

8.1K 286 3
                                    

NATHAN

KAPAREHO PA RIN NUNG MONDAY ANG SITWASYON NANG SABAY KAMING PUMASOK NI NICK SA LOOB NG CAMPUS. Hindi na ako ngayon nahihiyang hawakan ang kanyang kamay sa public. Marami pa rin ang mapangutyang mga mata, pero dedma na lang. Medron din naman kasing nginingitian kami, maybe to show that they're not against our relationship.

Medyo mas nagiging cautious lang ako, kasi napapansin kong mas marami na ngayong tumititig at nakikipagngitian kay Nick. Sa tuwing nangyayari yun eh inaakbayan ko si Nick, at tinitingnan ko sila ng masama. Kailangan ko talagang bakuran, mahirap na, haha.

"Anong balita, Bradley?" tinatanong ko ito tungkol sa nag-upload ng video. Magkatabi kami ngayon sa pang-umagang klase, patapos na rin kasi ang class, kaya nagkukwentuhan na kami.

"Wala pa rin eh, wala talagang umaamin, bro," nakangiwing sagot nito. Saka tumayo, dahil dinismissed na nga kami. "San ba kayo nanggaling kahapon?" tanong muli nito. Sabay na kaming naglalakad sa kahabaan ng hallway.

"Sa bahay nila Nick, I met his family," sagot ko.

"Woah, how was it?" excited nyang tanong.

"Ayos, mabait sila, at tinanggap naman kami," paliwanag ko.

Nasa may labasan na kami nang makasalubong namin si Yvonne. Kasama na namin nito ang kanyang mga minions. Tumingin ulit ito sa akin, saka may ibinulong sa mga kasama. Nagtawanan na naman sila. Okey lang, nakakatuwa, kasi hindi na ako nabobother.

Dumaan naman kami sa ilang grupo ng kalalakihan. Ang isa ay nang-asar pa na kunwari'y nababahing.

"Hachoo!!!" sigaw nito. "Sino bang nagdala ng paminta?" tanong nito.

"Ayan oh sa harapan mo!" sabat naman ng isa. Lahat sila ay nagtawanan.

Nginitian ko na lang din sila ng maloko, saka nagbow. Kinindatan ko pa yung nagpasimuno ng pang-aasar. Halata namang napikon ito, kaya lalong lumaki ang pagkakangiti ko. Kung makikipagsuntukan naman sila sa akin, ay hindi ko sila uurungan.

"Wow, mukhang hindi ka na affected ah?" nakangiting puna ni Bradley.

"Ang saya nga eh, ang gaan sa pakiramdam, kasi hindi na ako nasasaktan sa mga sinasabi nila," nakangiti kong sabi.

"That proves na natanggap mo na ang sarili mo," mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito. "Buti ka pa, kung sa akin nangyari to, hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"Kung sayo yun nangyare, andito naman kami, para sumoporta," sagot ko.

"Naks! Sweet! Pakiss nga!" biro nito.

"Isumbong kita kay Nick, gusto mo?" banta ko dito.

"Wag na, baka umiyak ka pa, kapag nakipagbreak yun sayo, dahil sa akin," biro muli nito. Nagtawanan na lang kami habang naglalakad.

Nang maglunch break na ay inabangan ko na si Nick sa kanyang classroom. Nang maglabasan na ang mga estudyante ay naunang makalabas si Ivan.

"Oh, Van, nasaan na si Nick?" tanong ko dito. Sa halip na sagutin ay iba ang sinabi nito.

"Ikaw, bakit hindi mo nababantayan ng maayos si Nick, dude?" sabi nito sa akin.

"Ha? What do you mean?" balik kong tanong dito.

"Mas mabuti pang si Nick na mismo ang tanungin mo," sagot nito. "Palabas na yun, hintayin na natin." Hindi ko talaga alam ang ibig nyang sabihin. Pero nang lumabas na si Nick ay nasagot na agad ang tanong ko.

"Sinong may gawa nyan sayo?!" may kalakasan kong tanong. May pasa si Nick sa gilid ng kanyang labi. Hinila ko ito at niyakap. Napansin ko ding may sugat ito sa may left elbow. Bullshit silang lahat! Hindi pa ba sapat na inaalipusta na nila kami? Bakit kailangan pa kaming saktan, physically?

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now