CHAPTER 8

12K 349 9
                                    

NATHAN

ALAM KONG KAILANGAN KONG MATULOG AT BUMAWI NG LAKAS PERO HINDI KO MAGAWA. Paano ba naman, hawak ko ngayon ang pinakaimportanteng bagay sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala na yakap-yakap ko si Nick ngayon. It's weird, kasi pinagpasalamat ko pa na nagkasakit ako, dahil nagstay sya dito sa condo ko. Pakiramdam ko kanina eh isa akong prinsipe, kasi ang sarap sa feeling na pinagsisilbihan ako ng mahal ko. Solved na ako. Nawala na totally lahat ng sama ng loob ko kahapon. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay saya at pag-ibig.

Sinalat ko ang aking noo. Masama pa ang pakiramdam ko pero alam kong bumaba na ang aking lagnat. Kung si Nick ba naman ang doktor ko, eh siguradong gagaling ako kaagad. Sa paggalaw ko ay naalimpungatan si Nick. Masyado ata akong malikot. Muli ko itong niyakap ng mahigpit. Pero nagising na ito sa akin.

"Nathan?" tanong nito.

"Hmm?" tugon ko. Tumingala ito at tumingin sa mukha ko.

"Nakatulog ka ba? Kelangan mong magpahinga, parang ako ang pinatulog mo eh," concerned nitong sabi sa akin. Ang saya ko lang, dahil ang sweet nya sa akin. Alam kong maaaring namimisinterpret ko lang ang lahat, pero hindi ko mapigilang isipin na sweet sya sa akin. Napangiti lang ako sa kanya.

"Okey, matutulog na ako. Pero ituloy mo lang din yung pagtulog mo, ha?" pakiusap ko.

"Sige, pero hihintayin ko munang makatulog ka," muli nitong sabi. Umupo ito sa kama, at kinumutan ako. Hinawakan nya ang kaliwa kong kamay habang ang isang kamay nya ay hinihimas at nilalaro ang aking buhok. Para akong tuta na gustong gustong magpahimas sa amo. Ang sarap naman kasi sa pakiramdam, para akong ihinehele. Ilang saglit lang ay nakatulog na rin ako.

_____

Nagising ako sa mahinang tapik sa aking balikat. Pagmulat ng aking mata ay madilim na ang paligid, at nakabukas na ang ilaw. Mukhang gabi na. Tumingin ako kay Nick.

"Hindi ka pwedeng tumuloy ng tulog na hindi kumakain ng dinner," paliwanag nito sa akin. "Saka iinom ka pa ng gamot, para bukas ay wala ka nang sakit." Inalalayan ako nitong umupo. Sumandal ako sa headboard ng kama. Pagkaupo ko ay nilagyan ako ni Nick ng thermometer sa kilikili.

"Kanina ko pa hinahanap yang thermometer, ngayon ko lang nakita," sabi nito. "Halata namang bumaba na ang lagnat mo."

"Sasama na ako sayo palabas," pakiusap ko. Ayoko kasi ng palaging nakahiga lang sa kama.

"Wag na. Mahina ka pa. Dadalhin ko nalang dyan ang pagkain mo," ma-awtoridad nitong sabi. Napangiti ako, dahil para ko syang tatay.

"Okey sige. Pero hindi mo na ako kailangang subuan, kaya ko na," sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito bilang pagsang-ayon, bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Pagbalik nya ay may dala na itong isang tray na may lamang pagkain. Ipinatong nya ito sa aking side table. May lamang itong isang bowl ng sinigang na baboy, kanin, at tubig. Nasa tray din ang gamot. Marunong palang magluto ang baby ko.

"Mababa na ang temperatura mo," wika nito pagkabasa nya ng thermometer. "I'm sure maayos na ang pakiramdam mo bukas, basta uminom ka lang ng gamot sa oras."

"Oh, sya, kumain ka na," muli nitong sabi. Pumuwesto ako sa gilid ng kama.

"I don't think I can eat the rice yet," pag amin ko sa kanya. Binigyang lang ako nito ng masungit na tingin. Sa halip na matakot ay napangiti lang ako, kasi ang cute nya. Hindi ko talaga maimagine na binully ko sya dati. Paano ko nagawa yun sa isang katulad nya? Ang sama-sama ko talaga. Kelangan kong bumawi sa kanya.

Nang mapansin nitong nginitian ko lang sya ay lalo itong nagsungit.

"Bilisan mo at kumain ka na, iinom ka pa ng gamot," pagsusungit nito sa akin. "At kailangan mong kumain ng kanin, para magka-energy ka naman. Noodles lang ang kinain mo buong maghapon," dagdag pa nito.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now