CHAPTER 6

12.5K 360 10
                                    

NATHAN

I CANNOT BELIEVE WHAT I SAW A WHILE AGO. Nick is wearing the necklace I just gave him yesterday! Sobrang saya ang naramdaman ko, hindi ko tuloy napigilan ang pagngiti. Nahalata kong nagulat at nagtataka sya kanina. Dahil siguro nginitian ko sya. Napahiya din naman ako, so I just nodded to him as greetings. Hindi ako nagpahalatang nasasabik ako sa kanya, it's not yet the time to tell him.

Pero kanina, pagkalampas nya sa harapan ko, my heart is beating so hard that I'm afraid another person might hear it. Effective yung paggawa ng letter na sinabi sa akin ni Bradley last week. Pero later ko lang naisip na bukod sa letter ay dapat bigyan ko din sya ng gifts paminsan minsan. Naisip ko yun nung makita ko yung necklace.

I accidentally saw that necklace noong magpunta ako sa mall nung Saturday, habang naghahanap ng pwedeng iregalo kay Zeke. When I noticed it at display in a jewery store, biglang pumasok sa utak ko si Nick. Alam ko kasing bagay sa maputi nyang balat yung silver necklace na yun. At di naman ako nagkamali, kasi bagay sa kanya nang makita kong suot nya ito kanina.

Pagkabili ko noon ay dumiretso uwi na ako sa bahay namin sa Rizal. Pagdating sa bahay ay gumawa na rin agad ako ng letter para sa kanya. Mas inuna ko pa iyon, kesa makicelebrate sa birthday ng kapatid ko.

Good mood na sana ako that day, kaso nakita ko si Arthur. Ininvite din pala sya nila Papa. Malamang, kasi family gathering nga ito. Ang lalong nagpainis sa akin ay nang lapitan ako nito at kinausap noong nakita nya ako.

"Ah, Nathan. Nabalitaan kong binubully mo daw pala si Nick?" yon na agad ang kanyang sinabi. Hindi man lang bumati muna o nangumusta. "Let me tell you this. Kaibigan ko na sya ngayon, so please, lubayan mo na sya. Wala naman kasing ginagawang masama sa'yo yung tao eh," dagdag pa nito. Pagkatapos noon ay umalis na sya at hindi man lang naghintay ng isasagot ko.

Kumulo ang dugo ko nung time na yun, mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili bago nagdilim ang aking paningin. Inisip ko na lang na ayaw kong sirain ang importanteng araw ng aking kapatid. Hindi ako nainis sa kanya nung sinabi nyang binully ko si Nick. Aminado naman ako dun. Pero nabadtrip talaga ako nung sinabi nya na lubayan ko daw yung baby ko. Tapos naalala ko pa yung pagiging "hero" nya kagabi. Nakakabanas talaga! Tingnan na lang natin. Gagawin ko ang lahat para maging close din kami ni Nick one day. At kapag nangyari yun, tutulo ang laway nya sa inggit.

Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang may tumapik sa aking balikat. Kasalukuyan akong nasa isang coffee shop malapit sa labasan ng university na paborito naming tambayan ng aking mga kabarkada. May vacant hours kasi ako ngayon, at mamaya pang hapon ang sunod na class ko, kaya tumambay muna ako para magbasa ng bago kong book.

"Musta pre, anong nangyari?" tanong ni Bradley. Sya pala yung tumapik sa balikat ko. Mukhang vacant na rin sya.

"Nangyari saan?" tanong ko.

"I just saw you smiling a while ago," umupo ito sa harapan ko, tapos ay tumingin sa akin at sinipat ang aking mukha.

"Whaaat?" muli kong tanong sa kanya. Nakakabadtrip kasi yung mga ganun nyang tingin. "Nasa funny part kasi ako ng binabasa kong book."

"Come on, Nathan, spill it," muling sabi nito. Hindi sya naniwala sa aking palusot.

"Okay fine," pagsuko ko. "I just saw Nick a while ago. He's wearing the necklace I gave him. He must have read the letter by now."

"That's good!" excited na sabi nito. "That's the first step. Ituloy-tuloy mo lang. Just remember, when you cross paths, just smile at him. Or greet him politely," payo nito. "Pero wag ka munang masyadong lalapit. Hayaan mo munang maging kumportable sya sa presensya mo. Pag feeling mo ay okay na sya sayo, then saka ka makipagkaibigan."

Mr. Bully Loves Me!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon