CHAPTER 13

11K 350 14
                                    

NATHAN

I'M A BIG PIECE OF SHIT!! Isa akong napakalaking tanga para pabayaang mahalikan ng ibang tao, kahit na meron na akong minamahal! And what makes it worse, is that Nick saw me doing it! Hindi ako makahinga nang makita ko ang reaksyon sa mukha nya... Kahit pilit syang ngumiti, nakita ko pa rin yung pain! Nasaktan ko sya! At isa lang ang ibig sabihin nito... mahal din nya ako.. We fucking love each other! Kaya kailangan ko syang hanapin, para ikumpirma sa kanya kung ano nga ba ang nararamdaman nya. Kailangan kong iexplain ang lahat! Iniwan ko ang malanding si Yvonne at tumakbo para hanapin sya.

Napailing na lang ako dahil nagawa ng classmate kong si Yvonne yun... Hindi naman ako nagpapakita ng motibo pero nilapitan pa rin nya ako. Ganun na ba sya kadesperada? Or nag-uumapaw lang talaga sya sa pagiging liberated?

"Nathan, wait!!" pagtawag nito sa akin. "Bakla ka ba?!" muli nitong tanong sa akin, pero hindi ko na sya nilingon.

Kung saan- saan na ako pumunta, pero hindi ko pa rin sya makita. Nawawalan na ako ng pag-asa. Tinawagan ko na si Queenie, para mabalitaan ako nito, kapag umuwi sya ng apartment nila. Pati ang mga barkada ko ay tinawagan ko na rin, pero hindi daw nya alam kung nasaan ngayon si Nick ko. Nasaan ka na ba babe?!?

Nawawalan na ako ng pag-asa nang may maaninag akong isang taong nakaupo sa isang bench sa madilim na bahagi ng bird sanctuary. Agad ko itong nilapitan, at parang nabunutan ako ng tinik nang makita kong si Nick nga ito! Hindi ko man makita ang mukha nya, ay alam ko na ang hubog ng katawan nito. Kilalang kilala ko na sya. Kahit haplos lang nya ay makikilala ko na ito.

Nang makalapit na ako sa kanyang harapan ay huminga ako ng malalim. Nakatago ang mukha nya at yakap nya ang kanyang mga tuhod. Naririnig ko ang impit nyang pag-iyak. Bullshit! Nasaktan ko ang baby ko.

"Nick?" malambing ang pagtawag ko dito. Agad naman itong nag-angat ng mukha. Nadudurog ang puso ko ngayon, kasi hindi ko kayang makita syang ganyan. Tumabi ako sa kanya at niyakap ko ito ng mahigpit na mahigpit.

"Nick," muli kong sabi. "Yung nakita mo kanina... wala lang yun! I was caught off guard, hindi ko alam na bigla pala nya akong hahalikan, matagal nang may gusto sa akin yung babaeng yun, pero hindi ko sya gusto!" paliwanag ko.

"Ano ka ba, hindi mo kailangang mag-explain," mahinang sabi nito habang humihikbi.

"No!! kailangan kong magpaliwanag sayo kasi..." napatigil ako. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ko ito ng diretso sa mga mata. This is it, Nathan... You can do it! I know you can!! Relax... Deep breath... Say it!

"Kasi ano?" tanong nya.

"Kasi I love you!.. I love you so so much!!" ayan nasabi ko na din! Tatlong salita lang pero napakahirap sabihin dahil sa katorpehan ko. Pero ngayon, nasabi ko na, Finally!

Natigilan si Nick. Nakatingin lang ito sa akin for what seems like forever. Then umiyak sya ulit! Mas lalong umiyak! Sa taranta ko ay niyakap ko sya ulit. Mas mahigpit!

"Shh.." pagpapatahan ko sa kanya.. "Nick, sorry... it took me a long time to tell you. Wala akong courage dahil natatakot akong layuan mo ko.. I'm so sorry.." huminahon na ito, at sumisinok-sinok na lang to ng mahina. "Haist... ang baby ko..." I'm gently tapping his back. "there, there."

Matagal kaming tahimik bago sya nagsalita.

"Nathan?"

"Hmm?"

"Mas mahal kita..." noong una ay hindi ko nacomprehend ang kanyang sinabi.

Then...

Boom! Biglang naging sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, sa tingin ko ay ramdam nya rin yun dahil sa higpit ng yakap ko sa kanya. Bumitiw ako sa pagkakahawak at tumingin muli ako sa mga mata nya.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now