CHAPTER 12

10.8K 346 5
                                    

NICK

RAMDAM KO ANG TENSYON SA PAGITAN NILA NATHAN AT ARTHUR. Hindi ko talaga alam ang problema ng dalawang yun at mainit ang dugo nila sa isa't isa, kahit na ipilit pa nila iyong itago. Nang tanungin ko minsan si Bradley tungkol dun ay sinagot ako nito na bata pa lang daw talaga sila ay magkaaway na sila palagi.

Ngayon tuloy ay naaapektuhan ako sa hindi nila pagkakasundo. Ininvite kasi nila ako sa magkaibang parte ng river kasi yun daw ang magandang spot. Hindi ko alam kung kanino ako sasama sa kanila, pinili ko nalang tuloy na walang samahan. Kila Lynn, Ivan, Max at Queenie ako tumabi. Kanina pa nag-eenjoy ang magsyota dito sa ilog samantalang kami ni Ivan ay kadarating lang. Tumingin ako sa paligid at na-amaze ako sa ganda nito. Malinaw at malamig ang tubig sa ilog. Mabuti na lang at mainit ang panahon ngayon, kaya masarap ilublob ang katawan. May maliit na parang talon sa ibabaw na parte ng ilog. Kami ay nakapwesto may ibabang parte. Para syang mini-pool na circular, kasi may malalaking bato sa gilid, at banayad ang agos ng tubig sa loob nito. Kasalukuyan kaming nakababad at ineenjoy ang init ng araw.

"Ano Nick, kayo na ba ni Nathan?" biglang tanong ni Max. Naputol tuloy ang pag-appreciate ko sa lugar. Medyo halata ang pagkairita nito sa tono ng kanyang boses.

"Ha? No! Bakit mo natanong?" balik ko kay Max.

"Hay nako Nick, obvious na obvious kaya ang sweetness nyong dalawa simula nang magpunta tayo dito. Pansin kaya yun ng lahat! Pati nga si Manang Elsa tinatanong kung anong namamagitan senyo," walang prenong sabat ni Queenie.

"Kung ano naman ang trato ko kay Nathan, eh ganun din ang pagtrato ko sa iba," paliwanag ko. "Malambing naman talaga ako sa lahat eh, right?" pagkumpirma ko. "Pati nga kina Max at Ivan, sweet ako eh."

"Hindi no," sagot ni Ivan. "Hindi mo siguro napapansin pero, when it comes to Nathan, sweetness overload na."

"Pati nga ako, na madalang nyong makabonding, napapansin ko din," nakangiting sabi ni Lynn. Pati sya ay nakisingit na. Bumuntong hininga na lang ako.

"Ewan ko ba," pagsuko ko. "I think, ang nararamdaman ko sa kanya ngayon eh more than just infatuation. I don't know. I can't describe it exactly. Pero mahirap kasing umasa lalo na kung wala palang dapat asahan, at sa huli eh assumero lang pala ako."

"Pero boto pa rin ako kay Arthur, at least nag- I love you na sya sayo," singit ni Max. "He's more responsible and kind compared to Nathan."

"Mas sexy naman si Nathan," irap ni Queenie sa kanyang boyfriend. "Tingnan nyo," sabi nito sabay turo sa kinaroroonan ni Nathan.

"Oh ehm." Napabulong ako. Hinubad na kasi ni Nathan ang suot nyang pang-itaas. Ang sexy talaga nya. Matambok ang dibdib nito. At ang abs! Basa ng tubig ang kataawan nito na lalo pang nakapagpasexy sa kanya. Ang swerte ko, dahil nayayakap ko yang katawan na yan.

"You know Beh, I would not say that... look!" sabi ni Max kay Queenie sabay turo naman sa pwesto ni Arthur. Naghuhubad na rin ito ng pang-itaas. Parang may pumindot ng slow motion button, kasi dahan dahan nya lang inaangat ang kanyang shirt, bago tuluyang ilantad ang magandang hubog nyang katawan. Nasa lahi siguro nila ang pagiging sexy. Pati ba naman sa ganito, magkalaban pa rin sila?

"Pero mas gwapo pa rin si Nathan," inirapan muli ni Queenie ang kanyang boyfriend. Sinabuyan tuloy sya ni Max ng tubig. Sa inis ni Queenie ay inilublob nya ang ulo ni Max. Nadamay na tuloy kami nila Ivan at Lynn dahil sa kanilang kalikutan, at dun na nga nagsimula ang kaguluhan. Pati sila Kevin at Paolo ay nakigulo na rin. Para kaming bumalik sa kabataan at walang tigil ang aming pagtatampisaw. Ang saya lang.

Nang makabalik na kami sa mansyon ay hapon na. Habang nagdidinner kami ay parang nag-iba na ang aura ng lugar kumpara noong wala pa dito si Arthur. Ewan ko pero parang naging awkward ... to me, at least. Siguro hindi yun napapansin ng iba.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now