CHAPTER 16

8.3K 293 16
                                    

NATHAN

MAG-GAGABI NA AT WALA PA DITO SI NICK. Ayokong maging mag-isa ngayong gabi. Kanina lang ay may nareceive ako ulit na text mula sa misteryosong sender. Ibang number na ito kumpara nung una nyang ginamit.

"Hindi kayo naniniwala na kaya kong ilantad ang sikreto nyo ano?" sabi nito sa unang message na sinent nya sa akin. Hindi ako nagreply. Ayokong magreply.

"Magsisisi kayo sa ginawa nyo! Wala ka nang mukhang ihaharap sa pamilya mo, dahil sinabi ko na sa kanila." sabi sa pangalawang message sa akin. Hindi ko rin ito nireplyan, instead ay tinawagan ko si Nick. Papunta na raw sya, pero hanggang ngayon ay wala pa. Ni hindi ko nga alam kung saan sya pumunta, pero hindi na mahalaga yon. Ang gusto ko lang ay andito na sya.

Para namang sinagot ng bathala ang hiling ko dahil ilang minuto lang ay dumating na nga si Nick.

"Nathan!! Anong nangyari?!" sigaw nito nang makapasok sa kwarto. Halatang nagmadali sya dahil hinihingal pa ito. Pansin ko rin ang pag-aalala sa mukha nito. Ako naman ay nakaupo lang sa bedside habang nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas para magsalita, or para umiyak o malungkot. Blangko lang ang aking mukha.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Andito na yung gamot ko. Okay na ako.

"Bakit Nathan?" tanong muli ni Nick. Iniabot ko kay Nick ang aking cellphone, at pinabasa ko sa kanya ang text messages.

Matapos basahin ay ipinatong lang nya ito sa kama at muli akong niyakap.

Ngayon ay sigurado na ako. Kahit talikuran ako ng buong mundo dahil sa aking gender preference ay wala na akong pakialam, basta mahal ako ni Nick. Yun lang ang mahalaga. Ako lang ang may-ari ng puso nya.

Ngayon ay mas natanggap ko na ang aking sarili. Mas lumuwag na ang aking dibdib.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at tumingin ako sa mukha nito.

"Okay lang, hayaan mo na," nakangiti kong sabi kay Nick. "I guess ang kailangan ko na lang gawin ay ipakilala ka sa kanila," dagdag ko pa. Ngumiti lang sya at muling yumakap sa akin, nangingilid ang mga luha. Hinalikan pa ako nito sa noo.

Sa condo na natulog si Nick, na lagi naman nyang ginagawa lately, simula nung nahihirapan na akong matulog. Kagabi din ay malalim na ang gabi bago ako nakatulog, iniisip ko kasi kung anong sasabihin ng magulang ko kapag nalaman na nila ang totoo mula sa taga-blackmail ko. Hindi na ako nag-aalala, pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.

Nang magising ako ay wala si Nick sa aking tabi. Alam kong naghahanda na yun ng agahan namin. Para tuloy kaming mag-asawa na.

Nagulat na lang ako nang narinig ko itong magsalita. May kausap si Nick mula sa kusina. Sino yun? Nakaawang ang pinto ng kwarto kaya naririnig ko ang kanyang boses. Agad akong lumabas ng kwarto. Wala na akong pakialam kahit nakaboxers lang ako.

Napako ako sa aking kinalalagyan dahil sa aking nakita mula sa kusina. Si Nick... nakikipag-usap sa parents ko, at kay Kuya Mike? At mukhang masaya ang kanilang pinag-uusapan, dahil nakangiti ang mga ito. Nakakalong pa si Zeke kay Nick. Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaksyon ko, basta nanatili lang akong nakatulala sa kanila at hindi gumagalaw.

"Kuya Nathan!! You're awake na!!" sigaw ni Zeke. Masaya akong makita ulit ang aming baby boy. Tumakbo ito sa akin at nagpabuhat. "Kuya Nick told me that you're sad, and you need rest.. That's why I didn't wake up," paliwanag nito saka ako niyakap. "Don't worry, Kuya, everthing is gonna be Ok," nakangiti nitong sabi, at hinalikan pa ako sa pisngi. Mana sa akin ang batang ito sa sobrang lambing.

"So, you already met Kuya Nick?" sabi ko kay Zeke.

"Yes Kuya.." sagot ng bata. "You love him right?" tanong nito sa akin.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now