CHAPTER 3

15.6K 436 29
                                    

NICK

PANIBAGONG ARAW NA NAMAN ANG AKING KAKAHARAPIN. Hindi ko alam kung susuwertehin ulit ako ngayong araw. Isang linggo na kasi ang nakakalipas simula nung huli akong pagtripan ng grupo nila Nathan. Pagkatapos ng kamalasan na yun ay hindi na nila ako ginulo. Di ko alam kung dahil ba swerteng hindi kami nagkakatagpo, or kung talagang nakapagdecide na sila na layuan na ako. Pero kahit alin man doon, benefit naman yon sa akin, kahit na minsan ay napaparanoid na talaga ako. Masama kasi ang kutob ko sa hindi nila pagpapakita sa akin.

"HUY!!!!!" gulat sa akin ni Ivan. Minsan inisip ko din na baka ang dahilan ng hindi panggugulo sa akin nila Nathan ay dahil mas madalas ko nang kasama si Ivan nitong mga nakaraang araw.

"Ano na namang problema mo?" biro ko sa kanya.

"Wala, ang wirdo mo kasi, para kang baliw na nakatulala lang habang naglalakad," pagpuna nito sa akin.

"Iniisip ko lang kasi kung bakit hindi ako ginugulo ngayon ng grupo ni Nathan."

"Ah, yun ba? Takot silang lumapit sayo kasi lagi tayong magkasama," biro nito sabay akbay sa akin.

"Yan tayo sa kayabangan eh," wika ko habang nakangiti. Magsasalita pa sana sya nang bigla syang natigilan. Nakatulala lang sya sa isang direksyon na agad ko namang tiningnan din. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kinabahan ako o may iba pang dahilan. Papalapit kasi sa direksyon namin si Nathan. May kakaiba sa kanya ngayon. Parang mas naging pogi sya. Tumigil kami sa paglalakad ni Ivan at napatunganga lang sa kanya. Nang malapit na sya sa amin ay saka lang nagsink-in sa akin ang nangyayari. Pero huli na. Nakalapit na sya. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Wala akong nakitang emosyon sa kanyang mga mata. Patuloy lang sya sa paglakad habang nakatingin sa aming dalawa, hanggang sa lumampas sya sa amin. Nakakapagtaka talaga. Hindi nya ako sinungitan o ginawan ng kung ano man.

"Oy! Kala ko ba ipagtatanggol mo ako sa kanila, eh, parang maiihi ka sa takot nung makita mo sya?" biro ko kay Ivan.

"Dude, sinong may sabing natatakot ako? Nakipagtitigan pa nga ako sa kanya eh," pagmamayabang ulit nito.

"Oh sya, tama na sa kayabangan. Tara na, baka malate pa tayo sa next class natin,"pagputol ko sa kanyang kahanginan. Hindi na naman ito tumutol pa at dumiretso na kami sa paglalakad.

Nang matapos na ang mga klase ay iniwan na ako ni Ivan. May gagawin pa raw sya. Ayoko pa namang umuwi kaya naisipan kong maglakad-lakad muna. Medyo madilim na sa paligid at nakabukas na ang mga lamp posts. Naisipan kong maupo sa isa sa mga benches sa park ng campus. Kakaunti na lang ang mga tao. Nagpalipas ako ng 10 minutes nang magdecide akong tumayo na ng bench para makauwi na. Hahakbang na sana ako palayo nang biglang may umakbay sa akin.

"Sumunod ka lang sa sasabihin ko, kung ayaw mong masaktan," bulong ng isang boses. Napansin ko rin na may mga kasama pa sya sa likod nya. Hindi ko sila maaninag dahil madilim na. Akmang gagalaw sana ako, pero bigla akong natigilan nang maramdaman kong may matalim na bagay na nakatutok sa aking tagiliran. Kinabahan ako bigla. Gusto kong magpanic, pero kailangan kong mag-isip ng mahinahon sa pagkakataong ito. Mabilis ang aking paghinga habang pinakikiramdaman ko ang susunod nilang gagawin. Mayamaya ay mahina akong nagsalita.

"Ku-kunin nyo na lang itong wallet... at cellphone ko, wag nyo lang akong... sasaktan," pakiusap ko.

"Hindi namin kelangan nyan. Ang sabi ko, sumunod ka lang sa gusto naming ipagawa, at hindi ka masasaktan, pramis yan," tugon nito. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Sinuotan ako ng isa sa kanila ng panyo sa bibig para hindi ako makasigaw. Ang isa naman ay kinuha ang bag ko na kinalalagyan ng aking cellphone at wallet. Nagdasal na lang ako na sana may magronda na campus security guard, pero mukhang malabong mangyari 'yon dahil Friday na, at hindi sila maaasahan pag magweek-ends na, dahil tinatamad na silang magtrabaho. No. Everyday pala tinatamad silang rumonda. Isa sa mga bagay na kinaiinisan ko sa campus na ito.

Mr. Bully Loves Me!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon