CHAPTER 4

13.3K 402 6
                                    

NATHAN

THESE PAST FEW DAYS HAVE BEEN HARD FOR ME. I keep on thinking about Nick everytime, and I can't focus on what I'm supposed to be doing. Lagi lang akong palihim na nakasubaybay sa kanya mula sa malayo. I can't bring myself closer to him. Natatakot kasi akong makita ulit yung tingin na ibinato nya sa akin noong huling beses na bastusin ko sya. Hindi ko kaya.

Ngayong isang linggo na nakalipas ay binigyan ko sya ng space. Para naman kahit papaano ay makaramdam sya ng kapayapaan. Minsan iniisip ko na lang na mas makabubuti siguro kung layuan ko na lang talaga sya, pero hindi ko kayang mawala sya sa paningin ko. Then, naaalala ko yung sinasabi ni Bradley. That I should fight for him. What the others might be thinking don't matter as long as I'm happy. Pagnamimiss ko sya ay niyayakap ko lang yung damit na kinuha namin sa kanya. Hindi ko pa kasi 'yon naisasauli. Maybe kapag maayos na ang relasyon namin sa isa't isa.

Ngayong araw ay maaga akong pumasok para maabutan ko si Nick. Maglalakas ako ng loob para lapitan sya, just to say hi. I wanna see how he would react if he sees me again, this time, radiating with a good aura. I want him to see me smile. Yung genuine smile na nagpapakitang masaya akong nakita sya. Pag-iniwasan pa rin nya ako, then I have no choice but to go to my last resort. Yung plan na sinabi ni Bradley, the last time na pumunta ako sa condo nya. Medyo harsh, but i think that would be very effective, if I want some lone time with him. Bago ako umalis ng aking condo ay sinadya kong magpagwapo, para kahit papaano ay magwapuhan sana sa akin si Nick.

Nasa main pathway ako ng campus nang makita ko sya. Handa na akong lapitan sya pero nadismaya ako nang makita kong bigla syang inakbayan ng kasama nitong si Ivan. At mukhang masaya silang dalawa habang nag-uusap. Gusto ko sanang tumalikod at lumayo, pero huli na rin ako dahil nakatingin na rin sila sa akin so para hindi nila mahalatang gusto ko silang iwasan, dumiretso na lang ako ng paglalakad hanggang malampasan ko sila. Pinilit kong itago sa aking mukha ang inggit at selos, pero mukhang hindi ako nagtagumpay dahil ang weird ng tingin sa akin ni Nick, samantalang kita ko ang inis sa mga mata ni Ivan. Pagkalampas na pagkalampas ko ay dumiretso ako sa CR ng pinakamalapit na building. Halos masuntok ko ang pader sa inis. Sa totoo lang ay matagal na akong nagseselos kay Ivan. Nagagawa kasi nitong maging ganoong kaclose kay Nick. Nag-isip ako saglit bago ako nagdecide. Gagawin ko na yung sinabi sa akin ni Bradley last week. Mukhang ito lang ang paraan para magkaayos kami ni Nick.

Kinuha ko ang cellphone at hinanap ko ang numero ni Fred bago ko ito tinawagan.

"Hello pre, may ipagagawa ako sa inyo. Tawagin mo ang tropa, kita tayo sa cafeteria mamayang lunch break," utos ko kay Fred.

"Okay sige 'tol. Maya na lang," tugon nito mula sa kabilang linya, pagkatapos ay ibinaba na ang tawag.

Pagdating ng lunchbreak ay dumiretso na agad ako sa cafeteria. Naroroon na ang aking barkada pagdating ko.

"Oh, 'tol, Nick again?" paunang bati sa akin ni Fred.

"Sino pa ba?" tanong ko.

"What is it this time?" tanong naman ni Kevin. Isa sa mga katropa kong gumagawa ng kalokohan.

"Eto na ang huling beses na gagawan natin ng kalokohan si Nick, so lulubus-lubusin na natin."

"So ano na ngang plano?" tanong naman ni Paolo.

"Di ba Pao, may susi ka sa isa sa mga laboratories sa Biology building?" tanong ko kay Paolo.

"Yep. I'm doing my thesis there. Why?" tanong muli ni Paolo.

"We're gonna lock him up there," simple kong sagot.

"HA?!?" parang miyembro ng chorale ensemble ang tatlo dahil nagsynchronize ang kanilang mga boses.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now