CHAPTER 14

11.5K 304 9
                                    

NICK

HINDI KO MABASA ANG INIISIP NI NATHAN KO AT THIS VERY MOMENT. Nakatitig na naman kasi sya sa akin, at hindi ko maipinta ang reaksyon sa mukha nya. Ilang minuto na kaming magkatitigan, pero hindi naman sya nagsasalita. Kahit humihigop ito ng latte na hawak nya ay hindi pa rin napuputol ang kanyang pagtitig. Palagi niya itong ginagawa sa akin, pero ngayon ay naisipan kong makipaglaban ng titigan.

"Huy! Baka naman matunaw nyo ang isa't isa nyan!" natatawang sabi ni Bradley. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng campus at nagmemeryenda.

"Ewan ko ba dito sa kuyang ito, lagi akong tinititigan," sabi ko sabay turo kay Nathan, hindi ko pa rin iniaalis ang aking tingin sa kanya. Ngumiti lang ito at sa huli ay inialis na nya ang tingin sa akin, pero hindi naman nagsalita. Panalo ako sa titigan, hehe.

"Anong pinagkakaabalahan nyo?" biglang pagsingit ng bagong dating na si Ivan. Ewan ko ba sa mga estudyante sa University na ito, may mga lahi atang kabuti kasi pasulpot-sulpot na lang.

Tumabi si Ivan sa akin at inakbayan ako, malawak ang pagkakangiti nito. Nakita ko naman na pumangit ang tingin ni Nathan kay Ivan.

"Van, alam mo naman na akin na si Nick di ba?" tanong ni Nathan.

"You mean boyfriend ka nya?... Oo, Bakit?" walang muwang na sagot nito.

"Eh, anong ginagawa ng kamay mo dyan?" tanong muli ni Nathan. Habang itinuturo ang kamay na nakaakbay sa akin.

"Ganito na kami kaclose, kahit nung binubully mo pa sya," balik naman ni Ivan.

"Psh," asik ni Nathan at inilayo ang tingin sa amin. Tinanggal ko naman ang kamay ni Ivan sa balikat ko.

"Hmp!" narinig kong ismid ni Ivan.

"Mukhang hindi na natin pwedeng gawin to ngayon," sabi ko kay Ivan. Napatingin naman si Nathan sa ginawa ko.

"Babe, okay lang..." mahinang sabi nito. "Mukhang masyado lang akong possessive. Syempre hindi nga naman kita pwedeng ipagdamot sa mga kaibigan mo. Lalo na yung mga taong hindi ka iniiwan kapag kailangan mo sila." Tumingin ito kay Ivan. "Sorry bro.."

"Okay lang, hehe... ang totoo, titingnan ko lang naman talaga ang magiging reaksyon mo kapag ginawa ko yun," pag amin ni Ivan.

"Alam mo ikaw, may sapak ka talaga sa utak!" pang-aasar na naman ni Bradley sa kanya. Si Bradley ay napakaseryoso at tahimik na tao. Pero kapag andyan na si Ivan, lumalabas na ang kakulitan at kaingayan nito. Para syang enzyme, at si Ivan ang catalyst para sya ay gumana. "Luko-luko!" dagdag pa ni Bradley.

"Baka ikaw ang loko.. Naloloko sa kiss ko.." natatawang balik ni Ivan sa kanya.. "Gusto mo ulit ng kissmark?" muling tanong nito saka nagpout ng lips. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumula ni Bradley. May suspetsa na talaga ako sa dalawang ito eh. Haha.

"Tama na yan," pag-awat ko sa dalawa. "Van, dala mo ba yung request ko sayo?" Ang tinutukoy ko ay yung reviewer namin sa isa sa mga subjects ko, na as usual ay kaklase ko si Ivan. Sabay kasi kaming magrereview ngayon.

"Syempre Big Boss, ako pa!" mayabang nitong sabi. Ayos lang na magyabang sya, maaasahan ko naman sya lagi eh. Inilabas nito ang makapal na reviewer na naprint nya.

"Salamat!!" pasasalamat ko dito. "Badtrip talaga noh?" sabi ko kay Ivan, habang inaabot ko ang copy ko ng reviewer. Paano ba naman, may diagnostic test kami, kailangan na tuloy agad mag-aral, kahit na halos kakasimula pa lang ng mga klase, pwede daw kasing pamalit ang score na makukuha dun, kapag may nakuha kaming mababang score sa mga susunod na exam. Kaya dapat paghandaan.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now