CHAPTER 20 - FINALE

10.3K 519 149
                                    

NICK (AFTER 2 YEARS)

NAKATULALA AKO NGAYON SA HARAP NG DAGAT. Nakatayo akong mag-isa sa dalampasigan. Marami akong iniisip. Sa nakalipas na dalawang taon ay napakarami nang nangyari. Kahit may mga malungkot na nakaraan, ay mayroon din namang masasayang nangyari.

Ayaw ko nang alalahanin ang mga pangit na nakaraan, ayaw ko nang balikan yung mga nakakaiyak na bahagi, kaya pilit ko na lang inaalala ang mga masasayang alaala.

Sa nakalipas na dalawang taon, sila Bradley at Ivan ay nagpasya nang mag live-in. Mukhang mas naeenjoy na nila ang isa't isa, pero patuloy pa rin ang kanilang pag-aasaran. Ang weird talaga ng couple na 'yon.

Nalaman ko na sina Paolo at Kevin pala ay tatlong taon nang magboyfriend, nung time na una kaming magkakilala ni Nathan. At dahil din sa nangyari sa amin ni Nathan dati, kaya nagkaroon sila ng lakas ng loob na ipagmalaki ang kanilang relasyon.

Ang mga "regular" couple ay nanatiling happy sa isa't isa. Si Max at Queenie ay sweet pa rin sa isa't isa. Ang galing nga nila, kasi hindi ko sila nakikitang nag-aaway. Palagi nila akong pinapasaya sa mga panahong umiiyak ako at hindi ko alam ang gagawin.

Pretty much contented din sila Fred at Lynn, na magpapakasal na sa susunod na taon. Isa ako sa abay nila sa kasal.

Si Arthur ay nakagraduate na Magna cum Laude, kaya sobrang proud ang kanyang pamilya sa kanya.

Nang makagraduate nga pala ang mga 4th year noon ay ipinagpatuloy namin ang layunin ng aming org. Actually, mas dumami ang miyembro ng aming organization simula nung maging successful yung pinakaunang event. Mas dumami din ang aming mga supporters.

Gumawa kami ng mga plano at mga goals, na kailangan naming matapos sa loob ng isang taon. Nag-isip kaming ng iba't ibang activities, katulad ng charity works, outreach program, at kung anu-ano pa. Ang isa sa main activity na ginawa namin ay ang aming HIV awareness campaign. Naging successful ito, at nabigyan kami ng samu't saring awards mula sa loob at sa labas ng university.

Dahil naging sikat ang aming org, dinagsa ang aming university ng mga freshmen at mga transferee na myembro ng third sex nang sumunod na taon.

Ang karamihan sa mga professors ay naging welcoming. Yung ibang mga estudyante na hindi kinaya ang mga nangyayari ay lumipat na lang ng ibang school, katulad ng ibang mga professors. Pero marami pa rin namang mga straight na natira, ang pinagkaiba lang eh tanggap nila kami, kaya masaya pa rin sila sa pag-aaral sa University.

Nga pala, sinibak na sa pwesto lahat ng campus security, at pinalitan ng mga mas mapagkakatiwalaang tao. Malaking kapabayaan kasi ang nangyari dati. Alam naman ng lahat na tamad ang mga dating nasa pwesto, kaya natuwa sila sa nangyaring pagpapalit.

Ngayon ay sikat na ang North Brook University bilang sanktuwaryo ng gay community. Maraming mayayamang estudyanteng couple ang nagpalipat pa nga dito, dahil alam nila na sa university na ito, walang magdidiscriminate sa kanila, at malaya nilang ipahayag ang affection nila sa isa't isa. Para naman sa mga baklang estudyanteng mula sa mahihirap na pamilya, pero gusto ring makaranas na mapabilang dito, nanguna ang aming org sa paghahanap ng scholarships para sa kanila. At successful ang mga nangyayari, dahil marami nang sponsors ang tumanggap ng mga scholars para sa aming university. At magpapatuloy pa ito para sa mga taong walang kakayahang mag-aral sa North Brook katulad ko noon. Ito na ang masasabi mo ngayong gay paradise.

Ang sayang balikan ng nakaraan. Patuloy akong nag-iisip nang biglang may bumulong sa akin.

"Hey, sweetheart," naramdaman ko na lang ang mga brasong yumakap sa akin mula sa aking likuran. Nakatingin pa rin ako sa kawalan, sa tabing dagat. Ngayon kasi ay reunion ng aming organisasyon na masayang pinamamalakaran ng mga estudyanteng aming pinagpasahan nito. "Bakit ka nakatingin sa kawalan?"

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now