CHAPTER 7

12.1K 403 21
                                    

NICK

BIGLANG NABALIKTAD NGAYON ANG TAKBO NG AKING COLLEGE LIFE. Nung nakaraang buwan lang ay pinagti-tripan ako ng grupo nila Nathan, pero ngayon ay iba na ang sitwasyon. Nakakapanibago talaga, dahil naging polite na sa akin sila Fred, Paolo, at Kevin. Sa tuwing nakakasalubong ko nga sila ay binabati ako ng mga ito, minsan ay iniimbitahan pa akong makihang-out sa kanila. Mukhang tinutupad nga nila ang kanilang pangako.

Si Nathan naman ay nanatiling mailap. Pero paulit ulit na bumabalik sa ala-ala ko yung kakaibang reakson nya nang makita nya ako, two weeks ago. Akala ko noon ay pagtitripan na naman nya ako, pero hindi. Sa halip ay nginitian nya ako. Yung ngiti na alam kong totoo. Pagkatapos ay tinanguan naman nya ako bilang pagbati. Ilang beses na yung bumabagabag sa aking kalooban. Bakit sya nagbago? Pagkatapos kasi noon ay palagi na nya akong nginingitian at tinatanguan kapag nagkakasalubong kami. Yung casual lang na parang walang nangyaring masama sa aming dalawa. Kung wala akong masamang ala-ala sa kanya ay baka naglaway na ako at sumabog ang puso ko sa mga ngiti nyang yon. Bihira kasi ang mga taong ngini-ngitian nya sa campus.

Si Arthur naman ay patuloy ang pangsusuyo sa akin. Madalas ay dumadalaw ito sa aking apartment, at dinadalhan ako ng kung anu-ano. Minsan isinasama ako nito sa kung saan saan. Pakiramdam ko ay boyfriend na ang turing nya sa akin, kahit hindi ko pa ito sinasagot. Isang negative na bagay na napansin ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay possessive sya at masyado syang confident sa sarili. Yung iniisip nya na lahat ng bagay ay makukuha nya kapag ginusto nya. Well, hindi ko din naman sure, baka masyado lang akong nangju-judge. Mabait naman sya afterall, at magkasundo kami.

Ang isa pang kakaibang nangyari nitong nagdaang mga linggo ay yung pagkakaroon ko ng secret admirer. Malaking misteryo sya para sa akin. Ngayon ay alam ko nang hindi si Arthur 'yon, kaya nakakacurious. Aaminin kong natutuwa ako sa mga sulat na binibigay nya sa akin. Excited nga akong pumasok every Monday, Wednesday and Friday, kasi siguradong may bagong sulat na dumadating sa mga ganong araw. Nakakatuwa din, kasi parang naging magkaibigan na agad kami, kahit hindi ko pa sya nakikita sa personal. Napaka-oldschool pero romatic naman.

Kahapon lang ay nagdecide na akong sulatan din sya. Gusto ko kasi na kahit papaano ay alam nyang binabasa ko yung mga sulat nya. Kakabukas ko lang ng locker, at napansin kong wala na yung letter ko para sa kanya, instead ay nakita ko yung bagong letter nya sa akin. And to my surprise, may kasama itong stuffed toy na cute na baboy in a superhero costume. Nagtataka lang ako kung bakit stuffed toy ang binigay nya sa akin, ganun ba ako kagirly? Pero anyway, salamat na rin sa kanya.

Inilagay ko ang stuffed toy sa loob ng aking bag, at kinuha ko rin ang letter. Pagkatapos ay isinara ko na ang aking locker. Pumunta ako sa isa sa mga benches ng park, dito ko na kasi lagi nakaugaliang basahin ang mga letters ni guardian angel. Nakalagay sa sulat na ang pangalan daw ng baboy ay Mr. Tibbs. Kapag nalulungkot daw ako, oh kaya natatakot, yakapin ko lang daw si Mr. Tibbs, at isiping sya ang niyayakap ko. Noong bata daw sya ay mayroon naman daw syang Mr. Pips na palagi nyang kasama kapag pakiramdam nya ay kaaway nya ang mundo. Hanggang ngayon ay nasa kanya pa daw iyon, kaya gusto nya ay magkaroon din daw ako, kaya binigay nya si Mr. Tibbs, ang kaibigan ni Mr. Pips. Natouch na naman ako sa kanya. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay halata ko dito ang pagiging thoughtful.

Nang dumating ang lunchbreak ay biglang nagtext sa akin si Arthur. Ide-date daw nya ako. Magkita daw kami sa may parking lot ng isang building. Pagkalabas ko naman ng classroom ay tinapik ako ni Ivan.

"Ah, Nick! Sabay ka ba sakin maglunch?" tanong nito.

"Not this time, ililibre ako ngayon ni Arthur eh," pagtanggi ko sa kanya.

"Hmp! Arthur na naman!" naiinis nitong sabi. "Alam mo, simula nang makilala mo yang Arthur na yan, parang nawalan ka na ng oras sakin."

"Hah?!" nalilito kong tanong.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now