CHAPTER 11

10.9K 341 11
                                    

NICK

I'M HERE AT NATHAN'S ANCESTRAL HOUSE IN BICOL. Ngayon kasing sembreak na ay hindi ko alam kung paano magpapalipas ng oras, ayoko pa kasing umuwi sa bahay namin sa Laguna.

Sa nakalipas na two months ay nagfocus ako sa pag-aaral. Pero hindi naman nawala si Nathaniel (nickname lang pala nya yung Nathan) sa pangungulit sa akin, kaya naging mas close kami. Close na din sya ngayon kay Ivan at Queenie. Hindi pa masyado kay Max, pero alam kong magkakasundo din sila eventually. Palagi din naman kasi syang bumibisita sa apartment namin eh, minsan nga kasama pa sila Bradley.

Si Arthur naman ay nagpatuloy sa ginagawa nyang panliligaw. Sinabi ko na sa kanya na tumigil na muna, para makafocus din muna sya sa pag-aaral pero ayaw nya. Pansin ko na hindi na sila magkagalit ni Nathan, pero hindi rin naman sila gaanong nagpapansinan.

Hanggang ngayon naman ay nagsusulatan pa rin kami ng secret admirer ko, kapag minsan na hectic ang schedule namin ay nagpapaalam naman sya na hindi muna sya makakasulat, ganun din naman ako, lalo na nung magfinals week na. Di ako makapaniwala na bago matapos ang sem ay sinabi nitong mahal nya daw ako. But how could I love him back, if I can't even see his face?

Pagkatapos na pagkatapos ng mga klase ay sa wakas sembreak na! Nang mag-invite si Nathan ng 1 week vacation sa Bicol ay hindi agad ako pumayag. Pero nung napa-oo nya si Max at Queenie, pati na rin si Ivan ay wala na akong nagawa. Kailangan daw kasing bisitahin ni Nathan yung property nila dun na five years na nilang hindi nabibisita. Ayaw naman nyang umalis mag-isa, kaya isinama nya kami pati na rin sila Bradley, Kevin, Paolo, Fred at ang girlfriend nitong si Lynn. The more, the merrier ika nga.

Apat na araw na ang nakalipas mula nang magpunta kami dito sa mansyon nila Nathan, so far ay sobrang nag-eenjoy ako. Nung unang gabi namin ay magkakasama kaming nagsiksikang matulog sa iisang kwarto, nagkatakutan kasi agad. Ano ba namang ieexpect mo sa isang lumang mansyon, kundi takutan? Pero ngayon ay sanay na kami. Ansaya, ambabait din kasi nila Manang Elsa at Mang Jun na katiwala ng mansyon. Tapos palaging parang fiesta sa pagbaha ng mga pagkain.

Ngayon ay nakasakay kami sa patrol car na parang sinasakyan ng mga barangay tanod dito. Papunta kami sa farm nila Nathan na di kalayuan sa mansyon. Gusto kasi naming makita ang actual na pagharvest ng mga tauhan ng pamilya Valientos. Nang sinabi ni Nathan na may farm sila dito, ang akala ko ay taniman ng palay, or kung hindi naman ay animal farm. Pero hindi ko inexpect na ang tinutukoy nya ay taniman ng fruit trees!! Namangha ako sa mga puno ng rambutan na puno ng namumulang hinog na bunga. Naka-intercrop naman sa mga rambutan ay puno ng mga lanzones na naninilaw naman at naghihintay ng mga taong pipitas. I could actually say that this is heaven!!

"Nathan!! Paborito ko ang rambutan at lanzones!" excited at tuwang tuwa kong sabi kay Nathan.

"I know," halos pabulong nitong sabi.

"Ha?" pag-ulit ko. Bakit alam nya?

"Wala," nakangiting sagot nito.

Pagkababa ng sinakyan naming patrol car ay nagtatakbo kami palapit sa mga puno.

"ATAAAAAACK!!" parang tangang sigaw ni Kevin. Kasabay nitong tumatakbo si Paolo. Ngayon ay napapansin ko nang sweet nga sila Paolo at Kevin sa isa't isa. Kinilig naman ako sa kanila.

Magkasabay na maglakad sila Ivan at Bradley, kahit na panay ang bangayan nila sa isa't isa. Ang magsyo-syota naman ay pasweet sweetan. Magkaholding hands pa habang naglalakad.

Ang gandang tingnan ng kabuuan ng farm, kasi halatang inaalagaan ito, mabababa kasi ang mga damo. Pantay pantay naman ang hilera ng bawat puno kaya magandang tingnan.

Pagtingin ko sa aking mga kasama ay nagkalat na ang mga ito at busy na sa pakikisalamuha sa mga workers, at "pagtulong" sa pagpitas ng mga bunga, if I know, puno na rin ang mga bibig nila.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now