CHAPTER 9

12.7K 331 2
                                    

NICK

HINDI KO MALILIMUTAN ANG WEEKEND KO KASAMA SI NATHAN. Marami akong nadiscover sa kanya, at nagsimula na ang pagkakaibigan naming dalawa. Pero hindi pa ako nakakaget-over doon ay may kakaiba na namang nangyayari ngayon. Paano ba naman, ang lalaking gusto ko, at ang lalaking may gusto sa akin, ay magkaharap ngayon, kasama ko.

"Nick, binubully ka na naman ba nitong si Nathan? Sabihin mo lang," matapang na sabi ni Arthur. Katatapos lang ng klase ko nang makasulubong ko sina Bradley at Nathan sa lobby. Si Ivan naman na kaklase ko sa katatapos lang na class ay nakigulo rin. Pero ang hindi ko ineexpect ay ang pagsulpot ni Arthur.

"Ganyan na ba ang trato mo sayong pinsan ha?" tanong ni Nathan.

"Magpinsan kayo?!" sabay na tanong namin ni Ivan. Hindi ko alam na magpinsan sila. Bakit hindi ko nalaman yun?

"Hindi ba sinabi sayo ni Arthur, Nick?" tanong ni Nathan sa akin. "Valientos din ako."

"Hindi ko na kailangan pang ikwento ka sa kanya," matabang na sagot ni Arthur. "Nick, pwede bang sumama ka sa akin? Mag-uusap pa ta---"

"Wait!! Ako ang unang nakapunta dito, kaya sa akin sya sasama!" pagputol ni Nathan sa sasabihin ni Arthur.

"Ano ba talagang problema mo, Nathan!?" malakas na ang tono ng boses ni Arthur. Lumapit ito kay Nathan nakipagtitigan sa kanya. Parang nakikita ko yung pagkislap ng kuryente sa pagitan ng kanilang mga mata.

"Sandali lang!" pag-awat ko sa kanila bago pa magkagulo. "Wala akong sasamahan sa inyong dalawa this time," sabi ko na may authority sa boses. "Hindi ko alam kung anong away meron kayo, pero sana huwag nyo akong idamay dun!...Halika na Ivan!" paliwanag ko sabay tawag kay Ivan. Iniwan namin sila sa lobby. Nang makalayo na kami ay agad akong tinanong ni Ivan.

"Anong nangyayari?" halatang naguguluhan ito. "Saka bakit magkasundo na kayo ni Nathan?"

"Nakapag-usap na kami ni Nathan," sagot ko.

"So, ganun na lang yon? Nakipagbati ka na agad?" di kontento nitong tanong.

"Pumunta sya sa apartment ko nung Saturday, personal syang humingi ng tawad sa akin. Sabi nya, akala nya may nagawa akong masama sa kanya. Pero nung malaman nyang inosente pala ako, naguilty sya ng sobra, kaya bilang kabayaran daw, gusto nyang makipagkaibigan sa akin," mahaba kong paliwanag.

"Naniwala ka naman agad?" masungit na pagbara sa akin ni Ivan.

"Hindi mo kasi nakita yung ginawa nya. Malakas ang ulan nung sabado, di ba? Tapos pinuntahan nya ako, kahit may sakit sya," kwento ko. "Kita ko naman ang sincerity sa mukha nya eh. Saka wala namang mawawala sa akin, kung maging kaibigan ko sya," dagdag ko pa.

"Okay, fine," pagsuko ni Ivan. "Pero alam mo, may naaamoy akong kakaiba dyan sa magpinsan na yan eh. Basta kapag nalaman ko kung ano yun, sasabihin ko agad sayo." Nagkibit balikat na lang ako.

"Oh, pano, una na ako sayo, dito na ang class ko," paalam ni Ivan nang makadaan na kami sa tapat ng building kung saan ang kanyang susunod na class. Nag-goodbye na lang din ako bago nagpatuloy ng lakad.

Dumiretso ako sa locker room. Alam ko kasing may bagong sulat na naman si guardian angel ko. Pagkakuha ko ng sulat ay dumiretso na ako sa sa lilim na part ng university park. Pagkabukas ko ng card ay binasa ko na ito kaagad.

"Ano yan?" bulong ng boses mula sa likod ng bench. Sa gulat ko ay halos naitapon ko yung card na hawak ko.

"NATHAN!! Ano ba?! Huwag mo nang uulitin yun ha?" inis kong sabi dito. Ramdam ko yung paglakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa gulat. Tumawa lang ito at tumabi sa akin.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now