CHAPTER 18

8.3K 278 1
                                    

NICK

BALIK SCHOOL NA ULIT AKO. Nagpahinga muna ako ng dalawang araw, bukod dun sa 1 whole day ko sa hospital, bago ako pumasok. Si Nathan ay nakalabas na rin ng hospital, pero mas mahabang pahinga pa ang kailangan nya. Umuwi muna sya ng Rizal. Magtatawagan naman kami, pero mamimiss ko pa rin sya. Kahit ilang linggo lang yun ay matagal na yun sa akin. Mabuti na lang at pinayagan naman sya ng mga professors nya na gumawa ng special project, para makahabol. Alam naman kasi nila ang naging sitwasyon. Bukod doon ay graduating na kasi si Nathan.

Kapansin-pansin na hindi na masama ang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko sa loob ng campus. Sa halip eh, nginingitian na nga ako ng karamihan.

Matapos ang klase sa umaga ay hila-hila ako ni Ivan, pero hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Ang sabi lang nya, may mga nangyari nung time na wala kami ni Nathan sa campus.

Dinala nya ako sa isang room. Pagpasok ko ay sinalubong ako ni Coach Alex. Wala talaga akong idea kung anong meron.

"Nag-explain na ba sayo si Ivan?" tanong ni coach.

"Coach, hindi pa eh, kayo na lang," nakangising sabi ni Ivan.

"Okay, fine," sagot naman ni Coach Alex. "Ganito kasi 'yan, Nick," panimula nito. Isinama ako nito papasok sa loob ng room at pinaupo. Maraming tao sa room, nagulat ako. Nadatnan ko sa room sila Paolo, Fred, Lynn, Kevin, Bradley at yung iba ay pamilyar lang, at hindi ko mga kilala.

"Dahil doon sa incident na nangyari sa inyo ni Nathan, ay maraming namulat," paliwanag ni coach.

"Hah?" naguguluhan ako sa sinasabi nya.

"Dahil sa tapang na ipinakita nyong dalawa, pati na rin sa message mo sa TV interview, maraming estudyante dito sa university ang nagkaroon ng tapang at confidence para ipakita kung sino ba sila. When I say 'kung sino ba sila', their gender preference. Our gender preference. May it be gay, or bisexual, pansexual, whatever you might call it," mahabang paliwanag ni coach.

"Coach, so that means you're—"

"Yes I am," hindi na nya pinatapos ang tanong ko. Bakla din sya. At proud sya dun.

"And everyone in here?" tanong ko. Nagtanguan naman sila at ngumiti. Except sa magsyotang Fred at Lynn, na sumosoporta lang.

"Ang nagpasimula nito ay sila Bradley at Ivan. Nagsimula sila sa maliit na campaign, the day na na-ospital ka. Nagpost sila sa mga bulletin boards ng flyers na may nakasulat na "If you're proud to be gay, come over to the Campus park at 7pm. " tapos nagulat na lang sila, kasi maraming mga pumunta. Including me," kwento ni Coach Alex.

"And also me," sabat ni.. Dr. Vergara? Na kararating lang. "Now, we plan to make our small community an official organization here in the university. All the papers for approval are set, we just need your signature."

"Bakit kailangan ng pirma ko?" taka kong tanong.

"Kasi, ikaw ang inappoint naming president ng organization," paliwanag ni Bradley.

"Yup! And I'll be your junior adviser, while Dr. Vergara is the senior adviser," paliwanag pa ni coach. Wow. Hindi ko akalaing may ganito na palang nagaganap, hindi man lang nila ikinuwento sa amin.

"Okay, I'll be your President," tatanggi pa ba ako, eh ginawa na nila ang lahat? Gusto ko rin naman kasing makapanimula ng ganitong klaseng movement. Naghiyawan ang lahat dahil sa pagpayag ko. Pinirmahan ko na ang mga dokumento.

"Alright! Aalis lang ako saglit, dadalhin ko lang to sa Office of Student Affairs building, and the Gay Men Society of the North Brook University will be official in a week!" masayang sabi ni Dr. Vergara, na akala mo'y bumalik sa pagkabagets.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now