CHAPTER 5

14.4K 394 8
                                    

NICK

NAGING MAAYOS ANG NAGDAAN KONG WEEKEND. Tinulungan ako ni Arthur na makalimutan yung masamang pangyayari sa akin last Friday. Palagi kasi kaming magkatext sa nakalipas na dalawang araw. Tinawagan din nya ako minsan para kumustahin. Though hindi naman kami nagkita, kasi umuwi daw sya ng Rizal kasi may family gathering daw sila. Hindi naman ako nag-usisa pa.

Ngayong Monday ay maaga akong pumasok sa eskwela. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko. Kaba dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko ang grupo nila Nathan, at saya dahil hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko kapag nakasalubong ko si Arthur sa campus. Pero kakayanin ko naman sigurong harapin sila.

Nang makapasok na ako sa may entrance ng campus ay biglang may tumawag sa akin. "Nick! Wait!" sigaw ng boses. Agad naman akong lumingon sa likod ko at bumulaga sa akin ang isa sa mga kaibigan ni Nathan. Tumatakbo ito papalapit sa kinaroroonan ko. Close ata sila ni Nathan dahil ito ang lagi nyang kausap kapag nakikita ko sila dati. Pero good thing na hindi sya kasama sa mga taong nambubully sa akin. Mukha naman syang mabait.

"Can I talk to you for a while? Please?" pakiusap nito nang makalapit na sa akin. Nabasa ata nito ang alinlangan sa aking mukha, kaya muli itong nagsalita. "Don't worry, I won't do anything bad, I promise," pangako nito habang nakangiti.

"HEY dude! Wag kang makinig dyan! Friend yan nung halimaw na nambubully sayo!!" sigaw ng isa pang boses. Lumingon ako at nakita kong papalapit na din si Ivan sa akin. Napangiti naman ako nang makita ko sya.

"Hindi ikaw ang kausap ko mister," singhal ng lalaki kay Ivan.

"Hindi rin ikaw ang kausap ko!" pag bawi naman ni Ivan sa kanya. Lumingon muli sa akin ang lalaki.

"Nick. Please. Trust me," pakiusap muli ng lalaki sa akin. Dinedma na nito si Ivan.

"He doesn't even know your name, how could he trust you?" sabat na naman ni Ivan. Halatang inis na ito sa lalaki.

"My name is Bradley, if that will make you feel better," banat nito kay Ivan. Nginitian pa nito ang aking kaibigan na lalo namang ikinaputok nito ng butse. Bago pa lumala ang asaran ay sumabat na ako sa dalawa.

"Okay, tama na ang asaran," pagputol ko sa kanila. "Sasama ako saglit kay Bradley, Ivan," paalam ko kay Ivan. Kita ko naman kasi ang sincerity sa pakiusap ni Bradley sa akin. Ewan ko pero hindi ko kasi maramdaman yung masamang aura na nararamdaman ko kapag may masamang balak sila Nathan sa akin.

"Are you sure?" alalang bulong sa akin ni Ivan.

"It's okay, I can handle this," pag-aasure ko sa kanya. Pagkatapos ay sumama na ako kay Bradley. "Pero pag di pa ako bumalik within 10 minutes, tumawag ka na ng pulis!" pahabol ko pang biro kay Ivan, habang naglalakad kami palayo. Tumawa naman ng mahina si Bradley.

Sumunod ako kay Bradley hanggang makarating kami sa gilid ng Educ Building. Pagkarating duon ay umupo kami sa mga benches sa gilid ng building. Marami nang estudyante ang dumadaan. Tatanungin ko na sana si Bradley kung anong ginagawa namin dun, pero biglang may dumating na hindi ko inaasahan. Papalapit sa akin ngayon sina Fred, at yung dalawa pang bully. Kevin at Paolo ata ang pangalan nila. Gusto kong tumakbo, gusto kong magtago, pero parang nakapako ang aking mga paa. Hindi ako makagalaw.

Pagkalapit nila sa amin, ay nagsalita si Fred. Wala na akong nagawa kundi pakinggan ang kanyang sasabihin.

"Ahm, Nick. Alam kong kami na ang mga taong pinakaayaw mong makita dito sa campus. Alam ko ding may possibility na hindi ka maniwala sa lahat ng aking sasabihin, pero andito kami ngayon sa harapan mo just to say sorry," paliwanag nito. Hindi ako naniniwala, pero nanlaki ang mga mata ko nang makita kong lumuhod silang tatlo sa harapan ko. Lumuhod sila kahit mabato sa pwesto nila. Wala rin silang pakialam sa mga estudyanteng dumaraan at nagsisipagtinginan sa amin.

Mr. Bully Loves Me!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon