CHAPTER 19

8.5K 271 4
                                    

NICK

MABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW. The University has already recognized our organization, kaya pinayagan na agad kami na gamitin ang campus facilities para sa mga isasagawa naming activities. Hindi naman kami nahirapan sa pag-oorganize, dahil maraming sumosoporta. Bumabaha ng mga sponsors kung saan-saan, karamihan ay mga companies na pag-aari ng mga successful business men, or should I say, business gay men. Mayroon ding mga sikat na personalities na nagpahayag ng pagsuporta. Ang sarap lang sa feeling.

Ang isang bagay na hindi ako makapaniwala ay ang pag-out ni Martin Santiago sa media. Isa syang sikat na sikat na singer na iniidolo ng marami. I think, era nya nga ngayon eh. Ang mga kanta nya ay nagkalat sa paligid, pinapatugtog sa mga radyo, at sa kung saan saan pa. Alam kong maraming babaeng nadismaya sa revelation nya, pero mas marami ang natuwa, dahil pinapantasya talaga sya ng mga bakla. Na-inspire daw sya sa story namin ni Nathan and he wants to personally meet us, kaya nga isa sya sa mga magpeperform para sa concert kasama ng mga sikat na banda at mga singers, na sumusoporta sa lgbt communities. May ilan pa ngang baklang comedians na nagprisinta para maging emcee ng buong gabi. Ayos na ang lahat, at masasabi naming sobrang blessed kami sa natatanggap naming suporta.

At ngayon na nga ang pinakahihintay na araw... Yep, ngayon na. Hindi bukas, hindi next week, ngayon na. Actually, mamayang 8 PM pa pero ineexpect na mas maagang pupunta ang mga organizers sa event. Kahit na excited ako sa mangyayari, at proud ako sa nagawa namin ng mga orgmates ko, eh hindi ko masasabing masaya pa rin ako completely. Lampas nang isang linggo kaming hindi nagkikita ni Nathan. Nasa bahay pa rin kasi sya sa Rizal. Puro tawagan lang at skype ang nagagawa namin. Namimiss ko na ang mga yakap nya.

Ang isa pang nakapangdismaya sa akin, kung bakit hindi ako masyadong makacelebrate ngayon ay dahil hindi sya makakarating mamaya. Alam ko naman at ramdam ko din sa kanya ang panghihinayang, dahil hindi nya nga ako masasamahan sa importanteng event na ito. Hindi ako makareklamo, dahil syempre mas aalalahanin ko ang kalusugan ng baby ko.

Kaya ngayon, kahit 4PM na ay hindi ko parin magawang bumangon sa kama at mag-ayos, kahit na alam kong siguradong nandoon na ang executive committee na pinamumunuan ko, at ang karamihan sa membro ng organisasyon. May mga kailangan pa kasing tapusin na finishing details.

Nagitla ako ng biglang tumunog ng malakas ang aking phone. Alam kong si Nathan na agad ang tumatawag, dahil iba ang ringtone ko sa tawag nya.

"Hello babe?" tanong nito sa akin.

"Yeah?" walang gana kong tanong.

"Tampo ka pa rin ba, kasi hindi ako makakapunta mamaya?" malambing ang tono ng kanyang boses. Parang nang-aamo ng isang batang umiiyak.

"Okay lang naman ako babe, hindi ako nagtatampo sayo," bumuntong hininga ako. "Hindi ko lang maiwasan na hindi malungkot, kasi wala ka para makienjoy sa amin," paliwanag ko. "Saka, miss na miss na kita."

"I know. And I miss you too. So so much. Actually, mas malungkot ang pakiramdam ko, kasi nandyan kayo lahat, at ako lang ang wala. Even Max and Queenie will personally visit our University just to give their support right?"

"Oo nga eh," malungkot ang tono ko. "Babe.. balik ka na dito," maluha-luha kong sabi. "Miss ko na yung nipples mo," biro ko pa. I heard him chuckle.

"Soon babe, soon. Basta malapit na malapit na. Hindi pa lang kasi pwedeng mapwersa yung katawan ko, kaya iniiwasan namin yung pagbyahe," paliwanag nito.

"Hindi mo kailangan mag-explain, babe. I completely understand. Ayoko namang mapahamak ka ulit. Wag mong pansinin yung pagta-tantrums ko," nahihiya kong sabi dito.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now