Chapter 5

16.4K 567 27
                                    

                     

                                                                            ****

Panahon ng taglagas.

Sa labas ng isang bahay-ampunan.

Mag-isang nakaupo sa lumang upuang gawa sa kahoy ang pitong taong gulang na si Bradley. Nakatingala siya sa katabing punong may namumula at naninilaw na mga dahon. Inaabangan niya ang bawat dahong nalalalaglag. Hinihintay niyang may mahipan dito ng isang malakas na hangin.

At sa tuwing may dahong inililipad ng hangin papataas ay iniaangat niya ang kanyang isang kamay. Sinusundan ng kamay niya ang galaw ng dahon habang tinititigan ito ng matalim. Sa mga sandaling iyon ay iniisip niyang siya ang nagpapagalaw dito at sumusunod ito sa bawat direksiyong inuutos niya.

Ginagaya niya ang isang alaalang tumatak sa kanyang isipan. Ang isang trahedya kung saan namatay ang sariling ina sa harap mismo ng mga mata niya. Nasaksihan niya ang isang lalaking kayang magpalipad ng mga bagay. Nauutusan nito ang lahat nang hindi ibinubuka ang bibig.

Hindi niya alam kung papaano ito nagawa ng lalaki. Subalit simula ng pangyayaring iyon ay wala siyang minithi kundi ang magawa rin ang nagagawa nito. Sa kanyang paniniwala ay mapag-aaralan niyang ring gawin ito o baka naman ay kusa niya na lamang itong magagawa at ang kinakailangan lamang  ay  hintayin niyang siya ay lumaki.

Tumayo siya sa kinauupuan. Tumingin sa bughaw na kalangitan at unti-unting ipinikit ang mga mata. Ngumiti siya sa isipan. Tumatakbo sa kanyang guni-guni na sa mga sandaling iyon ay nagliliparan ang lahat ng nagsipaglagasang mga dahon. Iniikutan siya ng mga ito. Idinipa niya ang mga kamay at sinabayan ang ikot ng mga dahon na naglalaro sa kanyang imahinasyon.

"BULAGA!!!!"

Napasubsob siya sa lupa.

"Hahaha! Ang weirdo naglalaro na naman mag-isa."

Pinahid niya ang duming kumapit sa mukha at nilingon ang kapwa batang tumulak sa kanya. Kasama nito ang apat pang mga bata. Malakas na nagtatawanan ang mga ito habang nakatunghay sa kanya.

"Sino ka ngayon? Si Professor X? Hahahaha! Kahapon sabi mo ikaw si Nightcrawler. Bukas sino ka naman? Si Astroboy? Hahaha!" tukso ng isa sa mga bata.

"Weirdo! Weirdo! Weirdo!" sabay-sabay na bigkas ng mga bata.

"Halina kayo baka may makakita pa sa atin habang kinakausap natin yan. Baka akalain nilang nakikipaglaro tayo sa kanya. Sige dyan ka na ha? Pagbutihin mo ang pakikipaglaro mo sa mga imaginary friends mo!" wika ng nanulak sa kanya at sabay alis ng mga ito habang nagsisipaghalakhakan.

Shadow LadyWhere stories live. Discover now