Chapter 24

6.4K 339 84
                                    

Yumayanig ang malakastilyong kota ng mga Refurmos dahil sa galit ng kanilang pinuno. Nanlilisik ang mga mata ni Heigro habang nakatingin sa mga tauhang nakaluhod sa harapan niya. Nanginginig ang mga laman niya sa galit sa mga nagsisinungaling na tauhan o sa galit dahil maaring totoo nga ang sinasabi ng mga ito.

"Mahal na pinuno... maniwala ka sa amin. Dalawang beses ko na siyang nakaharap at dalawang beses ko na ring nasaksihan ang kanyang mga kapangyarihan," nakatungong saad ni Salma.

Gusto niya ipagbabalibag ang mga kaharap sa dingding. Kahit ilang beses niyang pasukin ang mga isip nito, hindi niya makita ang babaeng binabanggit sa kanya...kagaya nang unang beses niyang narinig ang kwento tungkol sa nangyari sa Amerika. Lahat ng mga pangyayari kung saan sangkot ang naturang babae ay hindi niya rin makita sa isipan ng mga tauhan. Ang nababasa niya lang ay ang pakikipaglaban kay Krishna at sa apat nitong kasamang mga Gadians.

"Sinasabi mo bang mayroong nilalang na mas makapangyarihan pa sa akin?" ngisi niya. "Tandaan niyo! Walang sinumang pwedeng makadaig sa kapangyarihan ko dahil kapag nangyari yun, magigiba ang samahan nating mga Refurmos! Itigil niyo ang pag-iimbento ng mga kwento at ayoko ng bumabalik kayo dito para ibalita sa aking natalo na naman kayo ng mga Gadians! Anong silbi ng mga kapangyarihang ibinahagi ko sa inyo kung simpleng mga babae lamang ay hindi niyo matalo-talo!"

Napapalunok na nag-angat si Salma ng mga paningin. Nag-ipon ng lakas ng loob para tapatin ang pinuno. Dalawang beses nang nangingialam ang babae sa away nila ng mga Gadians at kapag patuloy na magbubulag-bulagan si Heigro, maaring ito ang dahilan ng ikatalo nila.

"Matatalo ba kamo tayo ng babaeng yun?"ngisi ni Heigro na nabasa na pala ang iniisip ng kanang-kamay.

Mabilis na nagpaliwanag si Salma. "Mahal na pinuno maaring mas malakas ang kanyang telepathy at telekinesis pero hindi ibig sabihin ay mas makapangyarihan na siya sayo. Napakarami niyong taglay na kapangyarihan maliban sa dalawang iyan."

Natigilan si Heigro. Bahagyang nakampante sa narinig subalit muli ring nagalit. "Alam mo bang ang isip ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Kahit ilang abilidad man meron ka kung kaya kitang kontrolin sa papamagitan ng isipan balewala lahat ng mga sinasabi mong kapangyarihan. KAYA HUWAG NIYONG IPAGDIINAN NA MAY TAONG MAS MALAKAS PA ANG TELEKINESIS AT TELEPATHY SA AKIN!!!"

Muling tumahimik si Salma. Alam niyang naniniwala na sa mga sinasabi niya ang lider. Itinatanggi lang nito sa sarili ang katotohanan. Hindi madaling tanggapin na may posible nang makatalo sa kapangyarihan ng isang nilalang na matagal nang namamayagpag.

"Pero mahal na pinuno, isa lang ang natitiyak ko. Wala siyang kakayahang mang-agaw ng kapangyarihan... maaring mas makapangyarihan siya pero kapag nagkataong manakaw niyo ang mga abilidad niya. Naiisip niyo ba kung gaano lalo kayo lalakas?"

Nag-isip ang lider. Sumilay agad sa mga mata niya ang pagiging ganid. Tila unti-unting nakukumbinsi ng alagad. "Paano mo nanakawin ang kapangyarihan ng taong kahit nasa malayo ay makakayahang alamin ang mga nangyayari at naiisip ng mga nasa paligid niya?" saad niya nang wala nang halong pagtatangging may bago siyang malakas na kalaban.

"Hindi ako sigurado pero naniniwala akong meron din siyang kahinaan. At ang kahinaang yun ay maaring maging magandang pagkakataon sa inyo upang maagaw ang kanyang kapangyarihan. O kung hindi naman ay maari natin siyang kumbinsihin na pumanig sa atin at hindi sa mga Gadians."

Nagsalubong ang mga kilay ni Heigro. "Anong ibig mong sabihin?"

"Siya ay kauri natin. Hindi siya isang Gadian. Ang kakayahan niya ay hindi abilidad ng isang Gadian. Nauna lang siyang nadiskubre ng mga kalaban. Siya ang dahilan kung bakit pumunta ng Amerika si Hector at ngayon nga ay nasa pangangalaga siya ng mga Gadians. Huwag tayong pumayag na isa ring Refurmos ang sisira sa ating samahan. Kung kaya't mahal na pinuno, buksan mo ang iyong isipan at tanggapin ang katotohanan bago pa man siya tuluyang maangkin ng mga kalaban."

Shadow LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon