Chapter 25

4.1K 261 24
                                    

Kung nawalan ng tiwala sa kanya si Krishna ay ganun din ang naramdaman ni Amerie sa dalagang Extremus dahil sa ginawa nito kay Rosendal. Kahit nakialam na si Hector ay nanatiling bukas ang telekinesis at telepathy niya kay Krishna.  Babantayan niya bago pa man ulit ito makagawa ng hindi niya magugustuhan. Nalulungkot lamang siya na hindi pa man lumalalim ang pagkakaibigan nila ay agad na itong naputol.

Nakikita niya sa isipan na dinala ito ni Hector sa isang abandonado at sira-sirang gazebo. Malayo sa pinag-eensayuhan ng mga Gadians at malapit na sa masukal na kagubatan. Samantala sa kanyang kinaroroonan naman ay nagkagulo ang mga nakasaksing Delica. Si Rosendal ay takang taka sa nangyari.

"Ate Amerie bakit huminto yung sanga sa hangin? Sino kayang Gadian ang naglitas sa akin?" Huminto ito at nag-isip."Pero parang wala namang Gadian ang may ganoong kapangyarihan," dugtong nito.

May mabuting hatid din naman ang pagiging lampa niya sa kanilang pagsasanay. Wala ni isa man sa mga Delica ang naghinala sa kanya.

"Hindi ba ikaw ang may gawa nun?" kunway ika niya sa dalagita.

"Hindi ako!" madiing tanggi ni Rosendal."Paano ko naman magagawa ang ganung bagay?"

"Di ba may kapangyarihan ka sa mga halaman? Akala ko ikaw ang nagpahinto dun."

Kumunot ang noo ni Rosendal. Nag-isip na baka siya nga. Pagkuway umiling. "Hindi talaga ako. Kaya kong magpagalaw ng buhay na halaman. Magpatubo at utusan itong lumaki. Pero hindi ko pa naranasang magpalutang ng sanga lalo't nakahiwalay na ito sa puno. Nablangko nga ang isip ko kanina at di ko nagawang gamitin ang aking kapangyarihan."

"Baka naman may ganun kang abilidad hindi mo lang alam pero dahil sobrang nagulat ka kanina kaya kusa itong lumabas," namimilog ang mga matang wika ni Amerie at kunway pinapaniwala ang kausap.

"Oo nga no may punto ka dun. Baka nga may ganun akong kakayahan!" Biglang natuwa si Rosendal pero ilang sandali lang ay muli siyang nalito. "Pero yung nangyari sa roblades bakit bigla yung lumipad patungo kay Ate Krishna? Ako rin ba ang may gawa nun?" inosenteng tanong nito.

Kumibit ng mga balikat si Amerie. "Baka. O kaya baka naman ang mga ninuno mo ang may gawa nun. Siguro pinoprotektahan ka lang sa panganib."

"Sa palagay mo?" biglang tuwang sagot ng bata subalit muling nalungkot nang maisip ang nangyari. "Bakit kaya hinagis ni Ate Krishna yung roblades niya?"

"Sa tingin ko di niya yun sinasadya. Nilalaro-laro niya kasi yun. Nagkamali lang siguro siya kaya naihagis niya nang malakas."

"Parang ang hirap paniwalaan na ang isang extremus ay magkakamali sa sarili niyang armas."

"Huwag ka nang masyasong mag-isip nang malalim. Aksidente lang yung nangyari," haplos niya sa buhok ni Rosendal.

Sinamaan siya nang tingin ng kausap. "Bakit wala ka man lang ginawa para tulungan ako? Siguro ayaw mo talaga sa akin porket lagi kitang sinusungitan?"

Natawa siya sa panunumbat ng dalagita. "Gusto kong tumulong kaya lang ano bang magagawa ko e ni hindi nga ako makatakbo nang mabilis."

"Kunsabagay," ngiwi ni Rosendal.

"Bakit mo nagawa yun? Paano kung napahamak si Rosendal?"

Dinig niya sa isipan na sigaw ni Hector kay Krishna. Biglang nalihis sa mga boses ang atensiyon niya.

"Ganun ka ba kawalang tiwala sa akin? Hindi ko hahayaang masaktan ang batang delica! Kaya ko siyang lundagin at iiwas sa sanga nauna nga lang makialam ang pinoprotektahan mong Amerie na yun! Kung hindi ko yun ginawa hanggang ngayon magdududa pa rin ako kung anong klaseng nilalang ang dinala mo dito!"

Shadow LadyWhere stories live. Discover now