Chapter 8

13.2K 514 25
                                    

                                                                                              ****

Nasa isang tahimik na sulok ng tent si Amerie. Tapos niya nang pagsilbihan lahat ng mga artista at crews. Nagsisimula na ang lahat sa tensiyonadong shooting. Maya't mayang sumisigaw si Bradley sa mga palpak na kuha habang tila ang lahat ay natataranta at mabilis na gumagalaw.

Simula nang bumalik ang kanyang alaala ay nabawasan ang kanyang pakikihalubilo sa mga kasamahan sa shooting. Iniiwasan niya ang karamihan. Hindi siya nakikipag-usap sa mga taong hindi naman kailangang kausapin. At kapag nag-uumpisa nang mag-ingay sa loob ng kanyang utak ay agad niyang sinasarado ang isip upang huwag itong pasukin ng iba't ibang mga tinig. Ito ang natutunan niya nang inumpisahan niyang mamuhay ng normal, ang pag-aralang kontrolin ang pagpasok sa kanyang isipan ng mga tinig ng kahit sinong nakapaligid sa kanya. Nagagawa niya nang isara ang utak sa mga taong ayaw niyang marinig ang laman ng isip ngunit malaya pa rin niyang nabubuksan ito sa sinumang magugustuhan niyang alamin ang takbo ng isipan.

Sa lahat nang naroroon, may isang tao siyang higit na iniiwasan. Yun ay walang iba kundi si Hector. Nararamdaman niyang naghihinala na ito tungkol sa katauhan niya dahil sa nangyaring pagsagip niya dito sa aksidenteng pagkahulog nito sa puno. At hindi niya rin alam kung sinadya ba nitong kausapin siya sa pamamagitan ng isip o nagkataon lamang na yun ang naiisip ng lalaki dahil sa paghihinala sa kanya. Kaya niyang alamin kung gugustuhin niya... ngunit natatakot siya. Isinarado niya ang isipan pagdating sa lalaki. Ayaw niyang pasukin ang laman ng isip nito dahil nangangamba siyang masaktan. Ayaw niyang malaman na baka isa rin ito sa mga taong mandidiri sa kanya dahil sa kakayahan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa lahat ng mga nakilala niya si Hector lamang ang kaisa-isang taong kinatatakutan niya na may masamang isipin tungkol sa kanya.

"Bakit mas gusto mong mag-isa dito sa sulok?"

Napaigtad siya sa walang ingay na pagsulpot ng katabi.

"H-Hector, anong ginagawa mo dito?"

"Kinakausap ka." pilosopong sagot nito.

"D-Di ba kasali ka sa kukuhanan ngayon?"

"Mamaya pa ang eksena ko."

Tumingin si Hector sa paligid. Nasa kagubatan pa rin ang lokasyon nila. Napatingin siya sa malaking puno kung saan siya nalaglag. Napapangisi siya habang tinitingnan ito.

"Simula nang mahulog ako sa punong yan parang ang tingin sa akin ng lahat dito ay singgaling ko na si superman. Ipinapagawa na sa akin kahit anong mahihirap na stunts."

Ngumiti ng matamlay si Amerie. "M-Magaling ka naman talaga eh."

Shadow LadyWhere stories live. Discover now