Chapter 11

11.1K 530 108
                                    

                                      *****

"Emosyon...emosyon...emosyon..." paulit-ulit na sambit ni Amerie habang nakaharap sa salamin sa loob ng kanyang kuwarto.

Pumikit siya't humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Nag-isip siya ng magagandang alaala. Binalikan niya ang mga araw na kasama niya pa ang kinalakihang lola. Ang mga sandaling ipinagluluto siya nito at pinapakain bago pumasok ng eskwela.

Napangiti siya sabay mulat. Naging kulay abo ang bilog ng kanyang mga mata. Kulay abo. Masaya. Itatanim niya sa isipan ang mga palatandaang ito.

Pumikit ulit siya. Bumalik siya sa panahon kung kailan siya nakaramdam ng matinding takot. Iyun ay ang sandaling pinalayas silang maglola ng taumbayan sa lugar na kinalakihan niya.Takot na takot siya bunsod ng maling panghuhusga sa kanya. Galit na galit ang mga tao sa kanya at pakiramdam niya'y sasaktan sila ng mga ito anumang oras. Natakot siya para sa kanyang lola. Tanggap niyang saktan siya huwag lamang ang pinakamamahal na matanda.

Nagmulat siya at ngayon nama'y naging kulay asul ang kanyang mga mata.

Nag-isip pa siya ng maraming bagay upang magpagpapalit-palit ng nararamdaman. Pinag-aaralan niya ang bagong diskubreng katangian. Ginalit niya ang sarili, naging kulay puti ang kanyang mga mata. Nalungkot siya, naging kulay lila....

"Ahhh B-Bradley.... yakapin mo pa ako ng mas mahigpit..."

Napatingala siya sa direksiyon ng kuwarto ni Bradley matapos marinig ang ungol. Naroroon pa rin pala sa bahay si Phoebe. Ang akala nya'y nakaalis na ito sapagkat malalim na ang gabi.

"Ohhh... Bradley sige pa."

Umiling siya at paulit-ulit na ikinurap ang mga mata nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ng dalawa.

"Ahhh..."

Naririnig niya pa rin. Nahiya siya sa sarili, pakiramdam niya'y pinanghihimasukan niya ang pribadong sandali ng magkasintahan. Tinakpan niya ng kamay ang mga tenga subalit hindi mawala-wala ang mga boses sa kanyang isipan. Hanggang sa nanlaki ang mga mata niya nang hindi na lamang mga ungol ang kanyang naririnig. Nakikita niya na rin ang mainit na pagtatalik ng dalawa.

Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at patakbong lumabas ng bahay. Lumabas siya ng gate at tumakbo papalayo sa bahay. Tumigil lamang siya sa pagtakbo nang mawala ang ingay at ang nakikita sa isipan. Naglakad-lakad siya siya sa sidewalk ng village. Magpapalipas muna siya ng oras sa labas. Hindi niya man sinasadya pero pakiramdam niya'y nilalabag niya ang karapatan ni Bradley na magkaroon ng pribadong oras sa sarili nitong pamamahay. Siya itong sampid kaya obligasyon niyang irespeto ang taong nagpapatuloy sa kanya.

Sa paglalakad niya'y nakapagisip-isip siyang siguro'y dapat na siyang umalis sa poder ng direktor. Dahil sa mga nangyayari, hindi magtatagal ay matutuklasan na rin nito ang totoo niyang katauhan. Hindi niya na hihintayin pang pandirihan o kamuhian siya nito. At ang nangyari ngayo'y maaring paulit-ulit lang itong mangyari kapag di siya umalis ng bahay.

Naalala niya si Hector. Sa village nga rin pala na ito nakatira ang taong yun kaya nga lang ay hindi niya alam kung saan. Nagpalinga-linga siya habang naglalakad, baka sakaling makita niya ito. Mahilig din maglakad-lakad ang taong yun kaya nga madalas na lamang itong sumusulpot sa tabi niya.

Shadow LadyWhere stories live. Discover now