Chapter 7

14.5K 534 18
                                    

                                                                                  *****

Nasa isang masukal na kagubatan ulit ang buong crew ni Bradley para sa shooting. At bago ito magsimula, kunot noong tinitingnan ng direktor mula sa bangkong kinauupuan ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Pinapakilala ito ng kanyang stunt director bilang pinakabago nilang stuntman. Nagdududang tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa nang naka de kuwatro at nakahawak sa baba.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Hector Le Marcuz."

"Parang napapadalas yata ang pagtatagpo ng ating landas."

"Nagkakataon lang siguro."

Naangasan siya sa lalaki. May hatid na kayabangan ang tono ng pananalita at pati na ang mga titig nito. Bukod dito ay nagdududa rin siya sa totoong intensiyon nito. Napatingin siya sa babaeng nakatayo sa kanyang tabi. Hindi maalis-alis ang mga mata nito sa mukha ng maangas na lalaki at isa rin ito sa nakikiusap na tanggapin niya ang bagong stuntman.

Ibinalik niya ang paningin sa kaharap. Hindi pangkaraniwan ang gandang lalaki nito. Maganda rin ang tindig, matangkad at matipuno ang katawan. Kung tutuusin, ang hitsura nito ay hindi lamang nababagay para maging stuntman. Pwede rin itong maging artista. Hindi kaya ginagamit lang nito ang dalagang kanyang kinukupkop para makalapit sa kanya? Na ang totoo ay gusto lamang nitong madiskubre at sumikat.

"Seryoso ka ba sa trabahong gagawin mo? Hindi biro ang maging stuntman sa mga pelikula ko. Baka naman bitinin mo ako sa kalagitnaan ng mga shootings ko."

"Hindi ko gagawin yan. Disiplinado akong tao."

"May balak ka rin bang mag-artista? Sa hitsura mo pwedeng-pwede ka."

"Wala. At hindi ko rin balak gawing propesyon ang pagiging stuntman. Kailangan ko lang ng ekstrang mapagkakakitaan habang may inaasikaso akong ibang bagay dito sa amerika."

"Ano bang inaasikaso mo dito?"

Hindi siya sinagot ng lalaki at nahalata niya sa reaksiyon nito na hindi na ito natutuwa sa pang-uurirat niya. Nagdadalawang-isip siyang tanggapin ito subalit sa nasaksihan niyang pambihirang kahusayan nito sa martial arts ay nakakapanghinayang na tanggihan ito.

"Sige tatanggapin kita basta't huwag mo lang akong bibiguin. Magaling ka pero pag pumalpak ka sa trabaho mo, papalitan kita agad. Ngayon lamang ako tatanggap ng hindi pa subok na stuntman."

Shadow LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon