Chapter 2

2.4K 48 4
                                    

Professor Royce Mercado ------------------------->

Song Joong Ki

* * *

"LALAKI KA ? ! ? ! ? ! ?" di ko mapigilang maisigaw . Di bale , ok lang sumigaw , maingay naman kasi ang lakas nga ng music nya .

Kumunot ang noo nito . "Oo , Kuya Tulo-laway . LALAKI ako . Bakit , nagandahan ka sakin no ? Kala mo chicks ako ? Tsk ." sabi nito na nakangiti ng nakakaloko .

Nagsmirk ako . Akala ko talaga babae sya . Lokong to , at tinawag pa akong kuya . Maresbakan nga .

"Kuya ? Excuse me lang ano ? Pero BABAE ako ." sabi ko na nakangiti .

Sya naman ay lalong kumunot ang noo . "Saang banda ? HAHAHAHAHHA"

Tae ! Sarap pektusan nito ah ! Napasimangot ako . Oo nga at lagi ako napapagkamalang lalaki . Pero sya din naman e ! Mukha syang babae ! Kung maka tawa to ! 

"O e di ikaw din ! Saang banda ! ? ! ? !" sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na mafeel ang eardrums ko . Baka nga tumalsik na talaga ito . 

Hindi naman natinag ang pagkakangiti nito . Imbes ay niluwangan nito ang pagkakabukas ng pintuan ng unit nito at tumalikod . Nakita kong ini-off nito ang player . Haay salamat .

Ang gulo pa ng unit nito dahil nagkalat ang mga gamit . Bumalik ito sa pintuan at humarap sa akin . Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa . 

"Oo nga , babae ka nga . Pero dahil muka kang lalaki , KUYA pa rin ang itatawag ko sayo ." Sabi nito sabay kindat . 

"Ano !" sabi ko na nanlalaki ang mga mata .

"Bye !" at isinarado na nito ang pintuan .

Naiwan akong nakatunganga sa labas ng unit nito . What a weird day ! Bumalik na lang ako sa unit ko . 

* * *

Mayabang akong nakangiti kay Sir Greg . Bah . Ang aga ko kaya dumating ngayon . Quarter to 8 pa lang , nasa cubicle ko na ako at ginagawa ang naiwan kong trabaho kahapon . At ang nakakatawa  , mas nauna pa akong dumating sa kanya . Buti na lang laging maaga dumating si Miss Cherry , yung secretary nya , kaya maaga pa lang ay bukas na ito .

"Hi Sir ! Good Morning !" mayabang kong bati kay Sir Greg .

Lumapit naman ito sa akin at ngumiti ng nakakatakot .

"My Office . NOW ." 

Napalunok ako ng mahigpit . Tumalikod na ito at naglakad papunta sa office nito . Tumayo ako at tumingin kay Kuya Baste na nakatingin din sa akin . Parang sinasabi ng mukha nito , "Hala ka !"

Mabigat ang paa ko na sumunod sa office ni Sir Greg . Tae naman , ang aga kong dumating , pero bakit parang galit pa rin si Sir ? Pinag iinitan ata ako ng lalaking ito e .

"Sit ." sabi ni Sir Greg habang inaayos ang mga gamit na nasa desk nito .

Umupo ako at naghintay na magsalita sya .

"Ice , I need a new , fresher story na gagawin mong komiks . Kailangan kakaiba . Kailangan , out of this world . I'll give you 3 months to finish 1 volume ."

Napanganga ako . ANO DAW ? ? ? 3 months lang to finish 1 volume ? Ni wala pa nga akong storyline ! 

"E , Sir ? Parang ang dali naman po ata ng 3 months . Pwede po ba haba-habaan nyo ? Kasi mag iisip pa po ako ng bagong concept . Ayaw nyo po ba ng ginagawa kong comics ngayon ? Half-way na po ako e . Saka --"

"Ice . Gusto ko , BAGO . Either you work on it or hahanap ako ng iba who will ." sabi nitong may pagbabanta .

Napatango na lang ako . "Ok Sir . 3 months it is ."

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now