Chapter 16

1K 29 7
                                    

A/N : Huwag po ma-shock sa picture sa gilid . Edited po sya at nagpapasalamat ako sa nag edit ng picture na iyan dahil may nagamit ako dito . HAHAHA . . .

Ice's girly look ------------------->

(Havey o waley ? Havey sakin HAHA .)

----------------------

Hindi ako makaimik . Hindi ko alam ang sasabihin ko e . Naumid na ata ang dila ko .

“Ice .” pukaw ni Karina sa akin .

Para akong nagising . “H-ha ?” sabi ko .

“Sabi ko po kung ikaw nga ba yung girlfriend nya .” sabi nung babae .

“Hindi no !” sabi ko .

Napamulagat naman si Royce at Karina . Nakita ko naman ang triumphant na ngiti ng babae .

“A-ay ! Hindi pa ba ? Akala ko kasi , girl , sinagot mo na si Royce eh !” pagsalo ni Karina .

“H-ha ? Sinagot ?” tanong ko pa rin habang nakatingin lang sa kanila .

“So . . . Nililigawan mo pa lang naman pala sya e . Saka parang di ka naman nya type ? Akon a lang kasi ang girlfriend mo ! Mabait naman ako e ! HAHAHA .” sabi nung babae kay Royce .

Ngumiti naman ng alanganin ito . “Shena , ano , g-gusto ko kasi talaga si Ice e . Kaya maghihintay ako sa sagot nya kahit gaano katagal .” sabi ni Royce na nakatitig sa mga mata ko .

Naaasiwa naman ako sa paraan ng pagtitig nya . Naknampuchupuchu hindi na ako sanay sa ganito ! Ano bang dapat kong gawin ?

“Hmp . Ito tatandaan mo , Royce . Hangga’t hindi ka pa nya sinasagot , hindi rin ako titigil ng pangungulit sayo .” sabi nito tapos bumaling sa akin .

“Ako nga pala si Shena . May the best girl win na lang sa atin ha !” sabi nito tapos tumalikod na .

“Ayy ! Kaloka ang happenings ! ! !” sabi ni Karina ng makaalis yung babae .

Ako naman , wala pa ring imik . Hindi ko pa rin ma digest lahat ng nangyari .

“As for you two , I think kelangan nyo mag usap . Hehe . Iiwan ko na muna kayo ah !” sabi ni Karina .

“Hoy hindi pwede ! Sasama na ako sayo ! May kasalanan ka pa sakin ! Akina phone ko !” sigaw ko sa kanya .

Pero ngumiti lang ito habang inaabot ang phone ko . “She’s all yours , Royce . You can thank me later . Byelalalalu !” tapos dali-dali na itong umalis .

Hindi ko naman sya mahabol kasi pinagsuot nya ako ng 3-inch heels kaya hindi ako makatakbo . Hindi naman kasi ako sanay na nagsusuot ng ganito kaya hindi ako makapaglakad nga maayos ; lalo na ang tumakbo . Kaya wala akong nagawa ng iwan nya ako kay Royce .

***

Nilalaro-laro ko ang hugis pine tree na air freshener na nakasabit sa mirror ng kotse ni Royce . May ilang minuto na kaming nandito pero walang ni isang may balak basagin ang katahimikan . I guess pareho kaming nao-awkward-an sa situation . Naiirita na rin pati ako dahil kanina pa sya pasulyap sulyap na titingin sa akin lalo na sa parteng legs ko . Nakakainit ng ulo !

“Wag mo nga akong manyakin .” Hindi ko napigilan ang bibig ko . Kainis e !

Tumikhim ito . “Hoy hindi kita minamanyak !”

“E bat kanina ka pa tingin ng tingin !” inis na sagot-tanong ko .

Umiwas ito ng tingin bago nagsalita . “Hindi lang ako sanay . Halos hindi nga kita makilala kanina e . Ang ganda mo pala .”

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now