Chapter 7

1.3K 36 2
                                    

A/N : Dedicated ito kay AnnaGaylle aka RenGaylle na adik daw kay Ren ng Nuest . Hindi nya ako tinigilan hanggang sa eto na nga , napa update na ulit ako . :) Ang kyut ng kakulitan nya kaya naman salamat sa pagbabasa . ^_^ This chappie is for you . Enjoy . . .

Tristan "Tres" Cubelo----------------------------->

(Kim Hye Seong)

***

“Chester , wag ka na lang makulit . Halika na .” pamimilit k okay Chester na hanggang ngayon ay nakahilata pa rin sa bed nito . Kanina ko pa ito hinihila palabas ng unit nya dahil naghihintay na sa function hall sina Cherish , Steven , Kevin at iba pang bisita nito .

“Bakit nga ? Tinatamad sabi ako e .” sabi nito . Nakapout pa ito at nakadapa .

“Chester , kelangan nga kita dun e kasi gagawa ako ng comics ko . Magddrawing ako . Kelangan kita dun . Wag ka na makulit please .” sabi ko habang hinihila ang paa nya . Ako kasi ang napag utusan ng dalawang kambal na papuntahin sa function hall ng Zinnia si Chester para daw hindi halata .

“Sige na nga . Pero dapat may kapalit to ha !” sabi nito at tumayo na .

Kinukulit pa rin ako nito habang nasa elevator kami pababa .

“Kuya , pag napublish mo na  yang comics mo , magpapadeliver ako ng sangkatutak . Ha ? Tapos idedicate mo sakin . Ha ? Tapos gusto ko idescribe mo ako na sobrang gwapo dun ha !”

Hindi lang ako naimik . Patuloy naman sa pagdada ito hanggang sa makarating na kami sa function hall . Pagbukas namin ng pinto , nagreklamo agad si Chester at kumapit sa akin .

“Kuyyyyaaaa . Ang dilim . . .” sabi nito .

Ngumiti ako ng buksan ko ang ilaw kasabay ng sabay-sabay na pagsigaw ng mga tao ng malakas na :

“HAPPY BIRTHDAY ARCHIE ! ! !”

Archie ? ? ?

Biglang nagningning ang mga mata nito at pumalakpak .

“Wow ! Birthday Party !” sabi pa nito habang isinusuot ang party hat na binigay sa kanya ni B1 .

“Chie , Happy Birthday ! DALAGA ka na babybro !” yumakap si Cherish dito .

Tumawa naman si Chester . “Ate ang OA . Dalaga ka jan ! Gwapo-gwapo ko e !”

Matapos kumalas kay Chester , hinawakan ako ni Cherish sa mga kamay . “Thank you Ate Ice . Sorry din if napagkamalan kitang lalaki before .” sabi nitong nakangiti .

“No prob .” sagot ko . May sasabihin pa sana ako pero bigla na lang yumakap sakin ng pagkahigpit-higpit si Chester .

“Iiyak na ba ako Kuya ? Naluluha na ako oh ! I feel so special right now !” page emote nito . Kakarume .

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin . “Ona , ona . . . Special ka nga . Special Child .”

Nagpout ito at kumalas na rin sa akin . Hinarap nito ang ilang bisita na umattend ng “debut” nya . LOL .

Ilang mga kaibigan lang nito ang nandito ngayon . Kaya nagtataka ako dahil wala ang mga magulang nila ni Cherish . At itong dalawang kutonglupang pinsan nya lang ang nandito na kamag anak nila . Nacucurious ako at gusto ko itanong kung bakit wala dito ang mga magulang nila . Pero nakakahiya namang bigla na lang ako manghimasok diba ?

Ang daming dalang pagkain ng mga ito kaya nabusog ako . Maya-maya pa , lumapit si Cherish sa kapatid nito . Nakangiti si Chester habang nakatingin sa ate nya .

“Archie , 18 ka na . Behave ok ? Nangako ako sa puntod nina Mama at Papa na babantayan kita ng ige . At yan nga , lumaki ka namang ok . Yun nga lang mejo alanganin ang kasarian . . .” hinampas naman ito ni Chester na “Archie” pala ang nickname . Patay na pala ang mga magulang nila . How sad . Nagpatuloy magsalita si Cherish . “Archie baby , ito na ang gift ko . Ang matagal mo ng hinihingi sakin –“ inilabas nito ang isang susi . WOW ! Bibigyan sya ng bagong kotse ? Sosyal naman ! Hingin ko na lang kaya ang luma nya ? HAHA . “Alam ko matagal mo ng pangarap to kaya ito na . Sayo na .” naiiyak na sabi ni Cherish .

The Ice Breaker [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora