Chapter 13

1K 29 14
                                    

Erisa Tan --------------------->

(Photo's not mine ; credits to the owner)

-------------------------

Nasa labas ako ng pintuan ng hospital room ni Royce . Kanina pa ako dito pero hindi ko alam kung kakatok ba ako at papasok o aalis na lang ? Akmang kakatok na ako ng bigla akong nagising sa katotohanan .

Teka nga , bakit ba andito ako ? Ano bang ginagawa ko sa lugar na ito ? Napailing ako sa realisasyong unti-unting lumulukob sa akin . May pakialam na ako ngayon sa kanya ? ? ?

Oh no . . . No no no no . . . Napaatras ako . Bago pa magbago ang isip ko , tumakbo na ako paalis ng ospital at ng makalabas ako , hindi na ako lumingon bagkus ay sumakay agad sa jeep .

Nakatanggap kasi ako kanina ng text galing kay Cherish . Ang sabi nito , kakagaling lang ni Royce sa Operating Room . Nung mareceive ko yun , imbes na umuwi agad ako straight from work , pumunta pa ako sa ospital . Only to realize na hindi ko alam kung bakit nga ba nandoon ako in the first place .

Naisip ko na malamang ang dahilan lang naman ay dahil nacucurious ako na malaman kung buhay pa ba sya . Hehe . Ah ewan  . Basta mejo nalilito ako sa sarili ko lately .

Pag dating ko sa Zinnia , nawala ng kaunti ang stress ko dahil nakita kong ang linis linis na naman ng unit ko ; salamat sa napakaworkaholic at OC OC na si Chester .

Pag pasok ko ay tinanggal ko agad ang marumi kong sneakers . Sumalampak agad ako sa couch at ini ON ang TV . Tamang tamang nasa Animax at pinapalabas ang isa sa pinaka paborito kong anime of all time , Deathnote .

Napaupo ako bigla kasi yung isa sa favourite scenes ko ang pinapalabas . Yun na yung time na nagpakita si L Lawliet my loves ng face to face sa mga police . Tuwang tuwa talaga ako sa scene na ito kasi na capture agad ni L ang attention ko kahit napaka abnormal ng way of greeting nya . HEHEHEHE .

Bumukas ang pinto at pumasok si Chester . “I’m HOOOMMMEE !”

“Sssshhhhh !” saway ko sa kanya dahil nagcoconcentrate ako sa pinapanood ko .

Nakiupo ito at tahimik na nakinood din . Maya-maya ay may nagvibrate .

Tumingin ako sa kanya . “Bata , cellphone mo ata yun .” sabi ko .

Ngumiti naman ito at tiningnan ang cellphone nya .

“TSK ! Naman e !” sabi nito bigla . Napalingon ako sa kanya .

“Baket ?” tanong ko .

“Kuya , samahan mo naman ako . I need you with me . Please !” sabi nito na nagmamakaawa pa ang mukha .

“Saan ?” maang kong tanong .

***

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now