Chapter 37

743 21 6
                                    

*

Hindi ako makapaniwala na ganun ang tingin sa akin ni Royce . Pinandidilatan ko pa rin sya ng mga mata hanggang ngayon . Parang pakiramdam ko tuloy ay kaladkarin ang pagkakakilala nya sa akin na basta basta ko na lang ibibigay ang pagkababae ko . Ano ba akala nito sa akin ? Hindi porke ganito ako ay may karapatan na syang sabihin iyon sa akin .

Mukha namang nabigla ito sa ginawa kong pagsampal sa kanya . Babae pa rin naman ako kaya instinct na yun na masampal ko sya . Though usually , pagsuntok ang mas nakasanayan kong gawin .

"I-I'm sorry . Hindi ko sinasadya yung nasabi ko . I'm so sorry Ice . I'm such a jerk !" sabi nito na medyo maluha-luha pa ang mga mata . Hawak nya ang pisngi na sinampal ko .

Hindi ako sumasagot . Aware din ako sa fact na late na late na ako at marami na sa mga kasamahan ko ang kanina pang nakapasok sa loob ng office . Pero dahil nasaktan ako sa sinabi ni Royce , para akong tuod na nakatitig lang sa kanya . Ni hindi ko magawang sumagot man lang sa sinabi nya .

"Ice please , magsalita ka naman . Kahit sampalin mo pa ulit ako nang isang daang beses , ok lang sakin ! I'm such a jerk and I deserve the slaps . Pero pakiusap , magsalita ka naman . I'm sorry talaga !" pagmamakaawa pa nito habang halos nakaluhod na sa harapan ko .

Napakamot ako sa batok . Siguro naging OA na naman ang reaction ko . Baka naman kasi nabigla lang din si Royce sa nasabi nya sakin . Baka nadala lang ng galit . Pero kahit pa , nasaktan at nainsulto ako at the same time . 

"Wala nang kaso . Basta wag mo muna ako kausapin ngayon kasi masama ang epekto ng sinabi mo sakin e . Lulunukin ko muna kung makakaya ko . For now , wag mo muna ako guluhin . Isa pa , late na ako . Bahala na kung anong mangyari . Bye ." saka ko binitawan ang kamay nya na kanina pa nakahawak sa kamay ko .

Hindi ko na narinig na sumagot pa sya pero hindi na rin naman ako lumingon para i-check kung ano na ang nangyari sa kanya . Dire-diretso akong pumasok sa loob ng office .

*** 

Nakangiti ako nang malawak nang i-end call ko ang phone ko . Kakatapos ko lang kausapin si Karina dahil ang bruha kong bespren , sa wakas , e "In a Relationship with Greg Liwanag" na ang status sa facebook . Kakasagot nya lang daw kay Sir Greg at ako ang unang una nyang binalitaan . Sa wakas , ok na rin ang dalawang yun . At syempre naman , sobrang saya ko para sa kanila .

Ang isa pang masayang news na natanggap ko ay nung tinawagan ako ni Kuya Andy kanina para ibalita na to be delivered na ang K.A part 3 . Finally , sa hinaba haba ng pagod ko sa series na yan , natapos ko na rin sa wakas ! At ! hanggang ngayon , hindi pa rin nagrereklamo ulit si Sir Greg sa akin tungkol sa ending ng K.A 3 . Hehe .

Ibinagsak ko ang sariling katawan sa couch dahil napagod ako sa pagiging "call center" ngayong araw . Kanina . 5 A.M. pa lang ay nakikipag chat na ako kay Tito Bogs . Sabi nya kasi uuwi daw ulit sya siguro 3 months from now kasi baka daw sya ang ipadalang delegate sa conference chu-chu ng company na pinagtatrabahuan nya . Dito daw kasi ang venue at nakiusap sya na baka kung pwede sa boss nya na isa na lang sya sa mga aattend . Para na rin daw makapag bakasyon ulit sya . Ang saya nga naming dalawa kanina kasi ang dami na naman naming plano na gala pag dating nya if ever . Sayang nga lang na by that time , tapos na ang summer vacation .

Naiidlip na ako ng kaunti nang may kumatok naman sa pintuan ng unit ko . Wala akong nagawa kaya tumayo na lang ako at pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok .

Saktong pagbukas ko ng pintuan , nabungaran ko si Chester na nakatayo sa labas at may hawak pang gitara . Ngumiti ito bago tumikhim .

"Ehem , ehem . . . Mike test , mike test . . ." sabi pa nito na akala mo ay may concierto . Ano na naman kaya ang trip nito ?

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now