Chapter 14

987 31 2
                                    

Belinda "Bogs" Lim ---------------------->

(Lee Si Young)

--------------------

Nagising ako sa marahang pagtapik sa balikat ko . Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko ang nakangiting mukha ni Chester . Ngumiti rin ako .

“Musta ? Tatawag ba ako ng nurse o doctor ?” sabi ko habang tumatayo sa pagkakauklo sa bed nya .

Umiling ito . Kumapit lang sa kamay ko at ngumiti .

Parang kandila akong nauupos habang tinitingnan ko ang batang ito . Nakakainis mang aminin pero talagang pinag alala nya ako ng todo . Simula ng dalhin namin sya dito sa ospital kahapon , ngayon lang ulit sya nagkamalay .

“Kuya , nagugutom ako .” ungot nito pero nakapulupot pa rin ang kamay sa braso ko .

“Bitaw muna . Anong gusto mong kainin ?”

Binitiwan nito ang kamay ko at humiga ng maayos . Halos hindi ko kayang tingnan ang mukha nya na basag sa bugbog ng kupal na Tres na iyon .

“Kahit anong meron jan .” sabi nito .

Kumuha na lang ako ng isang cupcake at isang apple . Hinugasan ko ang apple at hiniwa bago ko ibinigay sa kanya .

“Chester , ano ba talaga ag nangyari ? Bakit ginawa sa iyo ni Tres yun ? Ano mo ba talaga sya ?”

Napatigil ito sa pagnguya . Nilunok nito ang kinakain at tumahimik .

“Chester , sagutin mo ang tanong ko .” mariing sabi ko .

Hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin .

“Kuya , wala lang yun . May pagka engot lang talaga ang lalaking yun ! Hehe . Wag mo na lang sya pansinin . Hindi dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga taong nagpapapansin pero hindi naman kapansin pansin . Yaan mo na lang sya . Hihi .” sabi nito na nakangiti .

Pero seryoso ako sa oras na to . Hindi biro-biro na basta na lang sya bubugbugin ng isang tao . Naiinis ako kasi ayaw sabihin sa akin ni Chester ang totoo .

Hindi ito tumitingin ng diretso sa akin . Kain lang ito ng kain . Kaya marahan kong hinawakan ang mukha nya at iniharap ko sa akin . Nakamulagat naman ito na parang nagulat .

“BOKET ?” tanong nito na may nginunguya pang cupcake sa bibig .

“Chester , yung totoo kasi . . . Sabihin mo sakin .” pag uudyok ko .

Nilunok nito ang kinakain . Tinanggal nya ang kamay ko sa mukha nya .

Matagal bago sya nagsalita ulit .

“Childhood friend namin ni Ate Cherish si Tres . Ka-age nya si Ate . Magkaklase sila hanggang highschool . Ako naman , lagi lang nilang laruan kasi nga mas bata ako . Sila ni Ate ang laging nagpapaiyak sakin . Lagi nila akong hindi isinasali sa laro . Siguro nga , nagtataka ka Kuya kung bakit ganito ako . Kung bakit mukha akong babae kahit na lalaki naman ako . Ang totoo kasi , si Tres ang may kasalanan nito . Grade 5 ako noon . First year high school sila ni Ate . Gustong gusto ko laging sumali sa laro nila pero sabi sa akin ni Tres noon , isasali nya lang daw ako sa laro nila pag nagsuot ako ng bestida at maglalagay ako ng wig na ninenok nya sa parlor shop na malapit sa amin . Dahil nga gustong gusto kong makalaro sila ng Ate ko , pumayag ako .”

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now