Chapter 34

809 26 6
                                    

*

"Bro , ok ka lang ?" nakangiting tanong sa akin ni Kuya Andy .

Nandito ako ngayon sa bahay nila at nagsisibling bonding kaming dalawa dahil ngayon lang ulit kami nagkita simula noong magbakasyon sila . 

Tumango ako . "Bakit ?"

Tumawa ito ng mahina . "Hala , sabi na hindi ka nakikinig e . Ok ka lang ba talaga o may pinoproblema ka ?"

Hindi agad ako nakaimik sa sinabi nya . Yung totoo kasi , bumabagagbag pa rin sa utak ko yung nangyari between me and Jed two weeks ago . Isa pang nagsusumiksik sa utak ko ay ang pagka alarma ko dahil 2 weeks na ring hindi nagpapakita si Chester  sa akin . Hindi ko alam kung bakit dapat akong mag isip ng ganito pero hindi talaga ako sanay na hindi nakikita yung batang yun .

Tumikhim ako . "Wala ahh . Nag space out lang siguro ako dahil sa pagod sa work . Hehe , ikaw kasi ang boss ko sa publishing . Ayoko naman ma-late magpasa ng work ko . Dapat on time diba ? Hindi porke bro kita e petiks na lang ako . Nakakahiya yun ." sabi ko sa kanya .

Ngumiti ito at umiling - iling . "Sira . Wala naman akong balak na pahirapan ka ah . Sisihin mo ang boss mo na wala nang ginawa kundi i-overwork ka ."

Natawa na rin ako . "Sasabihin ko nga sa kanya na iq-quit ko na ang K.A. Series after ng third installment . Ayoko na , nap-praning na ako sa kakagawa nun . Nakakasawa . Gusto ko iba naman . Hehe . Sana lang payagan nya ako ."

Tinapik nito ang balikat ko . "Ikaw ang bahala . Supporter mo lang naman ako e ." Sabi nito sabay kindat pa .

Umiling na lang ako at ngumiti . Buti kahit papaano , napapangiti ako ni Kuya Andy . Badtrip naman kasi , andami-dami kong problema sa buhay . 

  "Onga pala , birthday ni Mama two weeks from now . It'll be a simple celebration with some friends and relatives . Dapat andito ka ha ? Magtatampo si Mama if hindi ka pupunta ."

Tumango ako . "Oo naman no . Asahan nyo ko jan . Maraming pagkain e . HAHA !"

Binato nya ako ng isang pirasong biskwit . "Ang takaw mo ." Sabi nito na natatawa pa . 

*** 

"Alin dito ang mas cute ? Itong pink o itong violet ?" nakangiting tanong ni Ate Lizelle habang itinataas ang dalawang baby dresses na hawak nito . 

Nandito kaming tatlo nila Ate Lizelle at Karina sa Mall kasi hinila nila akong dalawa kanina pagkatapos ng work ko . Nagpapasama na mamili si Ate Lizelle ng mga baby clothes . Ang excited nya talaga !

"Uhhm . Mas bet ko ang pink ! Girl na girl ! ! !" sabi ni Karina .

"Ikaw Ice ? Ano sa tingin mo ?" sabi ni Ate Lizelle .

Nag kibit balikat ako ."Ewan ko . Hindi nyo pa nga sigurado kung babae nga ba o lalake ang anak nyo e . HAHAHAHA !"

Hinampas ako ni Karina sa balikat . "Shunga ! Halata namang babae yang baby nyan ! Ang blooming nya kaya ! Saka ang ganda nyang magbuntis ."

"Sus naman , naniniwala ka sa ganun ? Nurse ka ah ? Dapat hindi ka naniniwala sa ganun . HAHAHAHAHA !" sagot ko naman .

"Hmmm ang ingay nyo . Pumili na lang tayo . Ito kaya ? Parang cute din oh !" sabi ni Ate Lizelle at humila ng isang baby dress na bulaklakin ang design .

"Takteng yan ! Wag yan ! Para namang ginawa mong naglalakad na Dangwa ang anak mo nyan ! BAHAHAHHAHAHA !" sabi ko sa kanila na ikinasimangot naman ni Ate Lizelle .

"Ay nako Ice , gutom lang yan . Ikain mo na lang kaya muna yan ng matauhan ka naman ? Mag merienda ka muna . Alam ko naman kasing nab-bore ka na dito e ." sabi ni Ate Lizelle .

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon