Chapter 39

763 22 5
                                    

*

Malinaw na nag register sa utak ko ang sinabi ni Chester . Pero mas malinaw ng di hamak ang nangyayari ngayon . Bakit nya ako hinahalikan ? At saan sya natuto ? Nag practice ba sya ? Ay lintek ! Ano bang ginagawa ko ?

Marahan ko syang itinulak papalayo sa akin . Husay na , bakit parang kinakapos ako sa hininga ? Whew ! Saka pakiramdam ko e nag tatatalon ang pulso ko , parang gusto kumawala ah .

"Ch-chester . . . Ano . . . Layo ka nga muna ." sabi ko sa kanya pero hindi ko napansin na nakahawak pa rin pala ako sa bisig nya .

Iminulat nito ang mga mata bago ngumiti . Inilapit nya ang mukha sa akin at nagdikit ang noo namin . Sabi ko nga lumayo , lalo namang lumapit ! Kahit kelan talaga opposite ang ginagawa nito sa sinasabi ko ! Kulit !

"Sabi ko layo ka muna . May sasabihin ako ."

Imbes na lumayo ay ngumiti lamang ito . Well , no choice ako kundi kumalas sa mahigpit na yakap nya . Naiilang kasi ako sa titig nya . I cleared my throat .

"Chester , ano na naman ba yang mga pinagsasasabi mo ha ? Paki explain nga ." sabi ko na hindi makatingin sa gawi nya .

Hindi ito umiimik kaya napilitan akong tingnan sya . Nakakunot ang noo nito at may nakaplaster na simangot sa mukha nito .

"Anong ibig mong sabihin , Kuya ? Don't tell me na hindi mo naiintindihan dahil alam ko naman na hindi ka tanga ; kahit minsan e nag dadalawang isip ako kung may utak ka nga ba o wala ."

Binato ko sa kanya ang hawak na bote . Nakailag naman agad ito at hindi nasapulan sa mukha gaya ng usually na nangyayari sa kanya tuwing babatuhin ko sya . Para kasing shunga . Seryosong usapan kami ngayon eto naman at dinadalihan nya na naman ako ng mga kalokohan nya . Kelan ko ba makakausap ng matino ang batang ito ?

"Peste ka . Ipaliwanag mo muna kasi kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo sakin kanina ! At isa pa , bakit mo ako hinalikan ha ! Humingi ka ba ng permiso ha ? Pinayagan ba kita na halikan mo ako ? Ha ?" naiinis na sabi ko .

Nalukot ang mukha nito . "Eng-eng ka rin e , ano ? Bakit ikaw ba , nung hinalikan mo ako noon noong may fireworks display , nagpaalam ka rin ba ? Pumayag ba ako ? Hindi din naman diba ? Gumanti lang ako ngayon kaya quits na tayo ! Isa pa , corruption of minor nga yung ginawa mo sakin noon ! Under age kaya ako !"

Akmang babatuhin ko na naman sya ng tsinelas nang nagsalita na naman sya .

"Kuya please lang . Ayoko ng ganitong usapan . Hindi ba pwedeng maging mahinahon tayo ?" sabi nito .

"Wow ha ? Sino ba ang shunga makipag usap dito ha ? Nagtatanong ako ng matino , hindi mo ako sinasagot ng matino !" pasigaw na sabi ko .

"Ok fine , sasagot na ako . Atat ka naman e ! Oo , yan ang sagot ko . Tayo na . Yan tuloy , ang cheap ko tingnan . Ilang segundo ka pa lang nanliligaw sinagot na agad kita -- aray !"

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now