Chapter 18

966 25 6
                                    

A/N : Oh eto na , Shin . Ito na ang requested character mong si Shena na ip-play ng requested mong si Tiffany Hwang . Wag mo na akong awayin kasi maganda ka naman ! HAHAHA . . .

Shena Salcedo ------------------>

(Tiffany Hwang)

----------------

“Congrats Ice . Nakita ko kanina sa Bookshop , nandun na nakadisplay na yung Kiss Angel .”

Ngumiti ako kay Royce . Nandito ako sa UP kasi inutusan ako ni Sir Greg na mag survey tungkol sa upcoming Visual Arts Competition na gaganapin dito na kasali ang mga University students na interested . Gusto kasi ni Sir Greg na makakuha ng bagong ideas ng designs sa mga ito kasi daw fresh pa ang mga utak at laging may bagong ideas kesa daw sa mga bukbukin at inaagiw na utak ng mga senior graphic designers sa office . Shempre hindi ako nakailag kasi kasali ako sa mga inaagiw na ang utak . Tapos na ako mag survey at nakasalubong ko si Royce sa pathway .

“Onga . Kaya nga paspasan ako sa pag gawa sa volume 2 noon e . Baka sakaling mag boom daw , at least handa sa book 2 .” sagot ko .

“Sus . Ikaw pa ! For sure , bebenta yan . Salamat nga pala kasi inilagay mo ang pangalan ko sa acknowledgement .”

Sinipa ko ang maliit na baton a nakaharang sa dadaanan ko . “Naman . Shempre ilalagay ko pangalan mo dun . Napakasama ko naman kung sa akin lahat ng credits . I’m sure hindi yun magiging ganun kung hindi dahil sayo .” sabi ko .

Nagulat ako ng bigla itong nagtago sa likod ko na parang bata .

“Shit ! Ano na namang ginagawa nito dito ?” sambit nito habang nakasilip sa ilalim na awang sa kilikili part ng shirt ko .

“Huy ! Ano ginagawa mo jan ! Umalis ka nga jan !” naiinis na sabi ko dahil parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng humawak sya sa bewang ko .

“Ssshhh ! Wag ka maingay !”

Kunot noon a tumitig ako sa kanya . “Ano ba problema mo ?”

As if on cue , bigla akong may narinig na boses ng isang babae .

“Hi Royce ! ! !”

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses .

“Shit na buhay !”

Paparating ang isang babae . Teka , ito yung babae from last time ! Yung parang manika na sunod ng sunod kay Royce .

“Hi !” Sabi nito ng makarating sa harapan ko . Pero hindi sya sa akin nakatingin . Nakasilip ito sa likuran ko at kumakaway pa kay Royce .

Tumayo si Royce at pinagpagan ang pantalon nya . “Hi , Shena .”

Kumapit ito sa bisig ni Royce . “Anong ginagawa mo ? Bakit ka nakaluhod ?”

Napakamot sa noo si Royce . “Ano . . .”

“Nananalangin sya . HAHAHA .” sabi ko .

Lumingon ito sa akin . Naningkit ang mata nito at tinitigan ako .

Shit ! Onga pala , nakita na ako nito noon ! Sana lang hindi nya ako maalala . Feeling ko naman hindi kasi wala kong wig , make up at girly clothes . Naka usual get up ako – ripped jeans , shirt at sneakers . Sana lang talaga hindi nya ako mamukhaan .

“Hi ! Alam mo may kamukha ka !” sabi nito .

Mejo nakahinga ako ng maayos . At least hindi nya ako nakilala .

Ngumiti ako . Ngumiti rin sya .

“I’m Shena ! Ikaw ?” sabi nito na nakalahad ang kamay .

Tinanggap ko ang kamay nya . “Ice . Hi Shena .” sabi ko .

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now