Chapter 26

881 22 2
                                    

A/N : Pasensya sa mahabang hibernation . Joke . Tinatamad lang talaga ako mag UD . Pero kahit nitatamad ako , eto ginawa ko pa rin ang chapter na to . Kaya mejo pagpasensyahan kung mejo lame ang pagkakagawa kasi nga , I repeat , nitatamad ako lately . Dedicated pala kay L.Lawliet Pseudonigma . Wala lang , maka-Royce kasi sya . Yun lang . Salamat sa pagttyaga . BOW .

-----------

“Ice , you look tired . Napupuyat ka ba lagi ?” Nakangiting tanong ni Royce . Nandito na naman sya sa harapan ko habang nagl-lunch ako . Halos inaraw-araw na nito ang pagdalaw sa akin e .

Umiling ako . Ayoko naman sabihin dito na ang dahilan kung bakit ako mukhang zombie ngayon ay ang pangahas na si Chester . Hindi lang naman ako nakatulog kagabi dahil sa tatlong rason .

Una , ang sakit ng paa ko dahil inapakan ako ni Chester . Pangalawa , hindi ako mapakali na wala na akong katabing malikot sa pagtulog . Pangatlo , hindi ko maialis sa isipan ko ang paghalik sa akin ni Chester sa pisngi .

Napapailing ako dahil masyado na yata akong mababaw mag isip ngayon . Pero kung tutuusin , talagang ang dahilan ng pagkapuyat ko kagabi ay nag iisa – si Chester .

“Mukha ka ring balisa . May problema ka ba ? You know , you can tell me .” sabi ni Royce .

Umiling lang ulit ako habang nilalaro ng tinidor ang pagkain ko . Pati ang appetite ko e nababawasan na . Ano ba ito ? Tsk .

Lumapit si Kuya Baste sa table namin .

“Ice , sabi pala ni Sir Greg , off na tayo ngayon , half day lang para daw makapag byahe pa ang iba kung uuwi para sa undas . Sabi mo kanina dadalaw ka sa Sauyo para makita sina Lizelle at Karina . Ano , sasabay ka na ? Aalis na ako .” sabi nito .

Ngumiti ako . “Ayy , pasensya Kuya Baste ah . Next time na lang , masama kasi pakiramam ko e . Saka ir-rush ko pa ang KA 2 . Malapit na ang deadline ko e .” sabi ko .

Tumango naman ito . “Ok . Sige , pare maiwan ko muna kayo .” sabi nito kay Royce .

Tumango si Royce . “Ingat , pare .”

Nakatungo ako kaya hindi ko napansin ang biglaang paghagip ni Royce sa kamay ko . Nagulat ako sa ginawa nyang paghawak sa kamay ko kaya pinilit kong bawiin ito . Pero mahigpit ang pagkakakapit nito sa akin .

“Ice , anong problema ? Masama talaga ang pakiramdam mo ? Ihahatid kita sa unit mo . I’ll make sure safe ka .” sabi nito .

Umiling ako . “Hindi naman , actually wala naman akong nararamdamang kakaiba , ok lang ako . Ayoko lang muna magpakita sa kanila na ganito ka-gloomy . Ok lang ako , Royce . Hindi mo ako kelangang ihatid . Kaya ko naman ang sarili ko .”

Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko . “Ice please , bigyan mo naman ako ng chance na maipakita sayo na andito lang ako for you . Nag-aalala ako sayo .”

Bumuntung hininga ako . “Diba matagal ko na namang sinabi sayo na itigil mo na yang kahibangan na yan ?”

Tumungo ito . “Kahit anong sabihin mo , kahit nasasaktan ako , hindi ko ititigil to .”

Ramdam ko ang sincerity sa boses nya . Pero hindi ko naman magawang suklian ng kahit anong klaseng intensity ang nararamdaman nya . Una , dahil ayoko na sa mga lalaking kagaya nya . Pangalawa , hindi ko na kayang i-risk ang sarili ko na mahulog pa ulit sa charms ng isang lalaki kahit na alam kong pare-pareho lang silang lahat .

Tumayo na ako kahit hindi pa ubos ang kinakain ko . Tumayo rin ito .

“Uuwi ka na diba ? Please , kahit ihatid lang kita , yun lang masaya na ako .” sabi nito .

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon