Chapter 35

742 24 5
                                    

*

Hindi agad ako nakapag salita . Hindi ko magawang sumagot sa nakakabiglang tanong ni Bev . Ganoon na ba ako ka-obvious na napansin nya na rin na espesyal na rin ang pagtingin ko kay Chester ? Ano na lang ang gagawin ko kung malaman nito ang umuusbong na nararamdaman ko para kay Chester ? Pero yung totoo , ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para dun e . Baka naman feeling ko lang yun . Baka nasanay lang ako na parati syang nandiyan sa tabi ko at sya lang yung nag iisang tao na hindi ako iniiwan hanggang ngayon .

"HAHA ! Ikaw talaga Bev , anong klaseng tanong yan ? Patawa to ." sagot ko sa kanya sa wakas . Idinaan ko na lang sa tawa ang mga sinabi ko . Ayoko kasing maging hadlang pa ako sa kanilang dalawa . Gusto naman nila ang isa't isa so bakit pa ako sasali ?

Ngumiti si Bev pero hindi naman ito umabot sa mga mata nya . 

"Kuya Ice , pwede mong i-deny yan ngayon pero I'm sure , malapit mo na ring aminin sa sarili mo , sa ibang tao at lalo na kay Chester na gusto mo sya ."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya . "Hala Bev ! Hindi ganun yun ! Naku , ikaw talaga , kung ano ano ang iniisip mong bata ka . Wala nga sabi e . Wag ka mag alala , hindi mawawala sayo si Chester . Pramis ko yan , babantayan ko pa sya para lang sayo para hindi sya makuha ng iba ." Tapos I secretly crossed my fingers . Hindi ko kasi alam kung talagang mapangangatawanan ko ang binitiwan kong salita kay Bev .

Ngumiti lang ulit ito ng tipid bago inubos ang laman ng iniinom nya . 

Tahimik kami pareho dahil ayaw namin both basagin ang namuong katahimikan between the two of us . Hindi ko rin maintindihan bakit biglang parang naging awkward kami sa isa't isa . After a few more seconds of contemplating , ako na ang umunang magsalita .

"Bev , huwag ka na mag alala sa kung ano man ang nakikita mong pagiging clingy ni Chester sakin . Alam mo naman ang batang yun , may pagka immature pa at mejo isip bata . Baka namimisinterpret mo lang yung turingan namin . Wala lang yun ah . Ayoko naman magka lamat ang friendship natin dahil lang sa di pagkaka unawaan ."

Ngumiti ito lalo . "Kuya Ice , no worries . Hindi mo kelangang magpaliwanag . Nagtatanong lang naman ako kung gusto mo sya e . Hehe ."

Ngumiti na lang din ako at hindi na nakipag argue pa . Maya-maya pa ay nagpaalam na ito na aalis na daw sya . 

Nang makaalis si Bev ay matagal akong nakaupo at nag isip . Hindi ko na maintindihan ang dapat kong maramdaman . Alam ko mali na manggulo ako ng buhay ng ibang tao . At alam ko rin na masama na magkaroon ng nararamdaman sa dalawang magkaibang lalaki . To think na ang isa pa sa mga ito ay isang teenager na mas bata sa akin ng limang taon ! Badtrip na yan , ang sakit sa ulo mag isip ! 

Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga bago tumayo . Kailangan kong i-clear kung ano man itong nangyayari sa akin . Hindi ako papayag na malito ako ng nararamdaman ko at mawala ako sa katinuan ng pag iisip . Kailangan may gawin akong paraan para masigurado ko  na kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari .

*** 

Tahimik ako habang nasa isang tabi lang at patuloy na umiinom . Ang daming tao ngayon dito sa bahay nina Kuya Andy . Andami nilang kaibigan na mayayaman . Tapos si Tita Helena , ang ganda ganda nya pa rin kahit na matanda na sya . Yung mga suot pati nila ngayon , halata mong mamahalin . Nahihiya tuloy ako dahil simpleng simple lang ang suot ko . Hindi kagaya nila na halos puro magagara at magagarbong cocktail dresses sa mga babae at semi-formal get up sa mga lalaki . 

"Bro , ano ka ba ? Bakit ka nanjan lang ? Halika nga , ipapakilala kita sa mga friends ko ." sabi ni Kuya Andy nang mapansin nito na mag isa lang ako . Hinila nya ako sa gitna kung saan maraming taong nagkukumpulan . 

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now