Chapter 36

760 21 4
                                    

*

Mabilis na itinulak ko palayo sa akin si Chester . Tumayo ako agad at tumikhim bago ngumiti ng mapakla sa kakaibang expression sa mukha na nakikita ko kay Bev . Nakatitig pa rin sya sa akin habang inaayos ko ang sarili .

Tumayo na rin si Chester at pinagpagan ang nadumihang skinny pants nito .

"Anong nangyari sa inyo ? Sorry I barged in unannounced , Kuya Ice . May narinig kasi akong sigawan ." sabi ni Bev habang nakatitig pa rin sa akin .

Bago pa ako makapagsalita ay nauna nang magpaliwanag si Chester .

"Ito kasi , napaka damot . Hihiram lang naman ako ng bago nyang DVD , pinagalitan agad ako . Hmp ! Tara na nga Bev , let's just watch mine . Madamot to e !" sabi nito sabay turo pa sa akin .

Aba't ang walanghiya ! Ang kapal ng mukha nya ! Sya na nga itong bigla na lang pumapasok ng walang paalam tapos ako pa itong iinsultuhin nya sa sarili kong unit !

"Hoy ang kapal ng mukha mo ! Sino ba kasi nagsabi sayo na pumasok ka dito ng walang paalam ? Sino bang hindi maiinis e ginulo mo yung DVD stash ko ! Ang kalat tuloy !" naiinis na sagot ko .

"Wow ha ! Akala mo naman napakalinis ng unit mo , hiyang hiya naman ako sa sarili ko !" nakaingos na sagot din nito .

Nagtimpi na lang ako . Kahit pa gusto ko na syang banatan . Napaka immature talaga !

Napansin ko naman ang biglang pagtawa ni Bev . Nakalimutan ko na tuloy na nandiyan pa pala sya .

"Oh , ba't ka tumatawa jan ? Bruha ."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tinuran ni Chester . Bakit sya ganun magsalita kay Bev !

Bigla namang tumigil sa pagtawa si Bev . "Wala lang , masama bang matawa ? E sa nakakatawa kayo pakinggan mag away e . Daig nyo pa ang mga batang maliliit ! HAHA !" sagot nito .

"Hmp ! Tara na nga !" Hinila na ni Chester ang kamay ni Bev at hinila nito pasarado ang pintuan . Bago pa tuluyang magsara ito ay nakita ko pa ang annoying face ni Chester . He stuck out his tongue before the door closed .

Nasipa ko ng wala sa katinuan ang ilang piraso ng DVDs na nakakalat dahil sa sobrang inis . Minsan talaga hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa bwisit na batang yun e ! Badtrip !

***

Natawa ako nang bahagya sa nabasa kong text ni Karina sa akin .

*Gurl , sa tingin mO , dpat q na bng sagutin si fafa greg o hindi pa ? phirapan q pa kya muna ? whatdya think ? help me decide . hoho !*

Napailing na lang ako . Ano bang ipinag iinarte pa nitong si Karina ? Kung mahal nya e di sagutin nya na nang hindi na makawala at magbago ang isip . May pahabol habol effect pa kasing nalalaman . Shunga talaga yun .

"Hoy . Ano iningingiti mo jan ? Sino iniisip mo ?"

Hindi ko pinansin ang pangungulit ni Kuya Baste . Bahala sya mag isip . Wala ako sa mood makipag kulitan ngayon . Pero ito namang si Miss Cherry , bigla na lang din sumulpot out of nowhere at inasar ako .

"Uyy Ice , kamusta na pala kayo ng prince charming mo ? Yung poging laging nasundo sayo ?" humagikgik pa ito sabay ng paghampas sa balikat ko .

Sinimangutan ko sya . "Miss Cherry , pati ba naman ikaw ? Saka ano ba , hindi ko naman 'prince charming' yun no ! Asa pa . . ." sagot ko dito .

Ngumiti ito lalo ng malawak . "Hmmm ! Ikaw talaga ang private mo pag tungkol na sa lovelife mo ! Daya . Magkwento ka naman minsan ! Sige na !" pabulong pa na sabi nito .

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon