Chapter 38

716 21 5
                                    

*

"Royce , itigil mo na ito . Tama na ."

Kumunot ang noo ni Royce habang titig na titig sa mukha ko . Pakiramdam ko ay gustong gusto nyang basahin nang maayos ang ekspresyon sa mukha ko pero hindi nya maintindihan .

Umayos ako ng pagkakaupo . Inilibot ko muna ang mga mata ko sa paligid . As usual , nandito kami sa Lamesa EcoPark . Mas gusto ko na rin kasi na dito kami mag usap dahil tahimik at walang ibang manggugulo .

"Anong . . . Ibig mong sabihing tama na ?" tanong nito sa akin .

Huminga muna ako nang malalim bago ko nilakasan ang loob ko sa nais kong sabihin sa kanya .

"Wag mo nang gawin ito . Kasi mahihirapan ka lang , mahihirapan din ako . Walang mangyayari sa ating dalawa pag nagkataon ."

Hindi pa nga ako tapos magsalita ay sumingit na agad sya . "Anong ITO ? Ano ba ang tinutukoy mo ?" Halata sa mga mata nya na alam nya kung ano ang tinutukoy ko . Pero alam ko rin na ayaw nyang i-acknowledge ang katotohanan sa pinapahiwatig ko .

"Royce , hindi ka tanga . Alam kong naiintindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin . Utang na loob , h'wag mo akong tingnan ng ganyan ." sabi ko sa kanya .

Yumuko ito bago nagpakawala ng buntong hininga . Pagkatapos ng mahabang pananahimik , nagsalita ito . "Bakit ?"

Nagkibit balikat ako kahit na alam ko namang hindi nya nakita ang ginawa ko . "Ayoko ng komplikadong eksplenasyon , Royce . Bulok ako sa mga ganyan e . Pero gusto ko lang maliwanagan ka . . . Hindi ako yung tao na para sayo . Hindi ako mabuti para sa yo . Hindi tayo pwede kahit anong pilit pa ang mangyari ."

Nagtiim ang bagang nito at marahas na humarap sa akin . "Bullshit naman yan e ! Sorry for my words pero , nakakatanga yang sinasabi mo . Hindi ba dapat ako ang magsabi kung mabuti o masama ka para sakin ? Ice , hindi mo ba talaga nararamdaman yung nararamdaman ko ? Hindi mo ba talaga makita na andito lang ako parati para sayo , lagi kang inaalalayan sa lahat . Ice naman e , ginusto ko lahat ng ito . Walang namilit sa akin . Pero bakit pinipilit mo ako na lumayo lagi sayo ?"

Tumayo ito sa pagkakaupo at naglakad ng ilang hakbang palayo sa akin . Marahas na sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri .

"Yun na nga , Royce e . Nasanay ako na parati kang nandyan . Nasanay ako na nag iisip na hindi ka naman aalis sa tabi ko kaya naging comfort zone ko na ang pakikisama sayo . Hindi man kita pinilit na gustuhin ako , pero utang na loob , Royce , hindi ko rin naman kayang ipilit sa sarili ko na gustuhin ka !"

Halata ang pagkabigla at ang sakit na bumadha sa mukha ni Royce . Hindi ko mapigilang hindi ma-guilty dahil sa harsh way na pagkakasabi ko nun sa kanya . Feeling ko tuloy ang sama sama ng ugali ko .

"So . . . Ang ibig sabihin ba nun e ni minsan ay hindi mo ako nagustuhan ? Wala ka man lang naramdamang kahit konti para sa akin ? Kahit konti lang ?" tanong nito nang makalapit ulit sa akin .

Hindi ako nagsalita agad . Nakatitig lang ako sa sapatos ko .

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now