Chapter 40

1.1K 26 7
                                    

*

Nagmamadali akong lumabas ng unit ko kahit hindi pa ako nakakapagsuot ng sapatos . Hindi pa naka tali ang sintas kaya mabilis na natapid ako saktong paglabas ko ng pintuan . Nagmamadali ako kasi late na naman ako as usual . Mahuhusay na naman ako kay Sir Greg . Speaking of that guy , hindi pa sila masyadong ok ni Karing . Buti na lang mali lang ang intuition ni Karing na may ibang girlfriend kuno si Sir Greg . Hindi naman pala totoong kinakaliwa sya nito , naging OA lang talaga sa pag rereact si Karina .

"Aray , naknampuchupuchu !" sambit ko nang bumagsak ang katawan ko sa sahig .

Saktong nagbukas ang pintuan ng kabilang unit at iniluwa noon si Chester . Tumingin ito sa gawi ko .

"Ano - - -" pero hindi pa ako nakakatapos sa sasabihin ay iniiwas na nito ang tingin sa akin at akmang aalis na .

"Oyy , wait ! Chester , saglit !" Kelangan ko syang makausap , kasi may pasa na naman ang mukha nya . Ano bang problema ng batang ito ? Puro sya pasa ! Tumayo ako nang tumigil sya sa paglalakad .

"Chester , anong nangyari sa mukha mo ?" seryosong tanong ko . "Nakikipag bugbugan ka ? Bakit ganyan ang hitsura mo ?" humarap ako sa kanya kahit hindi sya nakatingin sa akin . Kahit late na ako , wala na akong pakealam . Mas seryoso akong malaman kung anong nangyayari kay Chester .

"Wala . Sige , mauna na ako ." sabi nya . Tumalikod na sya para umalis pero hinabol ko sya at hinarang ko ang sarili para hindi sya makaalis .

"Chester , anong nangyari sayo ? Sabihin mo sakin , please ." sabi ko .

Tumawa ito pero halata mo na hindi yun genuine . Hindi umabot sa mga mata nya .

"Kuya , you're making this hard for me . Diba ikaw mismo ang nagsabi sakin na itigil ko na itong nararamdaman ko para sayo ? Masunurin akong bata e , kaya kahit hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong itigil ko ito , tina-try ko . Kasi ayokong sabihin mo na napaka selfish ko . Kaya kahit gaano kasakit , dumidistansya muna ako sayo . Pero ngayon , lalo mong ginagawang mahirap para sakin to e . Sadista ka rin talaga e , no ?"

Nagulat ako sa mga sinabi nya kaya hindi agad ako nakapag salita . Napahiya ako kasi tunay naman lahat ng sinabi nya . Ako nga naman ang may gusto nito . Sinabihan na rin ako ni Cherish na lumayo na rin ako sa kapatid nya habang maaga pa pero ano ito at ako pa ang lumalapit ? Eh kasi naman , concerned lang talaga ako sa kanya . Hindi ko naman mapigilan yun e ! Hello , puro pasa ang mukha nya at putok ang labi nya , anong hindi ko ipag aalala dun diba ?

"S-sorry ." sabi ko at umalis sa daraanan nya .

Ngumiti ito nang mapait . "Sorry na naman ? Di bale , dyan ka magaling e . Sa kaka-sorry pero paulit ulit naman akong nasasaktan . Alam mo kung ano ka Kuya ? Hindi ka lang basta bastang klase ng yelo . Dry ice ka ! Alam mo yun ? Yung tipong pag napadikit ako sayo , ang lamig lamig ng pakikitungo mo lagi . Pero pag aalis na ako sa tabi mo , masakit naman ! Naiintindihan mo ba ako ? Sana nagegets mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon . Kaya kung pwede lang , kung wala ka rin lang namang matinong gagawin , wag ka na makealam sakin . Ok ?"

Napatango na lang ako . Hindi ko na nagawang magsalita . Since kasi nung sabihin nya sa akin ang nararamdaman nya , ngayon lang ulit kami nakapag usap .

Pinigilan ko ang pagsunod ng tingin ko sa papalayo nyang pigura . Nanatili akong nakayuko . Kinagat ko na lang ang ibabang parte ng labi ko dahil naiiyak na talaga ako . Akala ko magiging madali ito pero bakit ganun ? Habang tumatagal , lalo akong nasasaktan . At ang mas nakakainis , ngayon , hindi ako lang ang nasasaktan . Nakakasakit na rin ako ng iba .

Bumuntong hininga ako pero tumulo pa rin talaga ang luha ko . Lintek , naiirita ako sa nangyayari . Hindi ko na alam ang gagawin ko . Hindi , hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko . Nakapag desisyon na kaya ako . Kaya kong panindigan to !

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now