Chapter 15

1K 29 7
                                    

A/N : Mehehehe . . . Andito sa chapter na ito makikilala ang bagong character na nakakawindang ang kakulitan , ka-abnormalan at pagkahibang nya sa isang lalaki . Sino kaya sya ? ? ? Muhahahaha . . . . . . . 

------------------------------

Isang linggo akong tambay sa bahay na walang kasama . Pero sa wakas , uuwi na ngayon si Chester . May kasama na rin ako . HAHA . Kausap ko kasi kanina yung nagawa ng unit nya . Sabi ni Manong , buti na rin daw pala na nasira ang unit ni Chester kasi inaanay na pala yung kisame saka may mga crack na talaga yung walls . Kaya matatagalan pa daw sila sa pag aayos ng unit nito . Baka daw abutin pa ng ilang linggo ulit .

Hindi ko man maamin sa sarili ko , nasanay na talaga ako na laging kasama si Chester sa unit ko .

Kaya isinuot ko na ang arm band ko . Hindi ako maglalaro ng basketball . Maglilinis ako ng unit ko ! HAHAHA . I know it’s unusual of me to do this . Pero para naman hindi madismayado ang alaga ko pag uwi nya . Baka mamaya , sabihin pa noon , wala akong pakundanagan sa kanya .

Pero bago pa ako makapag simula , nag ring na naman ang cellphone ko .

“Hello ?”

“Ice , can we meet up today ?”

“Ooohh may boses ka na !” sabi ko dahil narinig ko na ulit ang boses ni Prof .

“Yeah . Please , may sasabihin ako sayo .”

“As in now na ? Matagal bay an ? Hindi ako pwede magtagal ah .”

“Yeah . mabilis lang ito . Sige na . Last na ito na favor . Hehe .”

“Ok . Saan ?”

“Saan mo gusto ?”

“Pwede dito na lang ? Onga ! Pumunta ka na lang dito . Ayaw pa kasi sa phone sabihin e .”

“Ok .”

Pagkatapos ko mag end call , tinanggal ko muna ang arm bands ko . Muka akong tanga e . HAHA .

Nagsuot lang ako ng mas matinong tshirt at bumaba na . Wala akong balak na dito sa unit ko makipag usap sa kanya dahil parang pugad baboy sa dumi ang unit ko .

Umupo ako sa couch sa receiving area at kinuha yung Yes ! Magazine . Ang cover e yung tsinitong Sir Chief ang tawag nila . Basta yung intsik .

Habang nagbabasa ako , nag ring na naman ang cellphone ko .

“Oh ?”

“Wala . Nakita na kita . I’ll be there .”

Ipinatong ko ang magazine sa table at nakita ko nga na andito na si Prof . Naalibadbaran ako sa sarili ko kasi hindi ko maiwasang hindi sya purihin dahil ang gwapo gwapo nya ngayon .

“Yo .”

Napangiti lang ito sa greeting ko sa kanya . Nang makalapit ito ng tuluyan , umupo agad ito sa katabing silya .

“What’s up Prof ! Me boses ka na ulit ! HAHAHAHA !”

Ngumiti ito . “Oo . Kaya makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko .”

Tsk . “Ok . Ano ba yan ?”

Bumuntong hininga sya bago nagsalita . “Pwede bang matulungan mo ako ? I need help . Really .”

“Anong klaseng help naman yan ?”tanong ko .

“Pwede ka bang mag-pretend na girlfriend ko ?”

Hindi ako nakapaghanda dun ah ! Ano daw ? ? ?

“Uii Ice . Magsalita ka nga jan . Pwede ba ? Please lang , please ? ? ?”

Nahagip ko naman ang dila ko . “Ano ? Sira ba yang tuktok mo ? Bat naman ako magpapanggap na girlfriend mo ? E kung binabalikan mo na lang kaya si Cherish ?”

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon